Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 142:1-7

Maskil. Ni David, nang siya ay nasa yungib.+ Isang panalangin. 142  Sa pamamagitan ng aking tinig ay humingi ako ng saklolo kay Jehova;+ Sa pamamagitan ng aking tinig ay humiling ako ng lingap kay Jehova.+   Sa harap niya ay patuloy kong ibinuhos ang aking pagkabahala;+ Sa harap niya ay patuloy kong isinaysay ang tungkol sa aking kabagabagan,+   Nang ang aking espiritu+ ay manlupaypay sa loob ko. Sa gayon ay nalaman mo ang aking daan.+ Sa landas na nilalakaran ko+ Ay nagtago sila ng bitag para sa akin.+   Tumingin ka sa kanan at masdan mo Na walang sinumang kumikilala sa akin.+ Ang aking dakong matatakasan ay naglaho sa akin;+ Walang sinumang humahanap sa aking kaluluwa.+   Humingi ako sa iyo ng saklolo, O Jehova.+ Sinabi ko: “Ikaw ang aking kanlungan,+ Ang aking bahagi+ sa lupain ng mga buháy.”+   Bigyang-pansin mo ang aking pagsusumamo,+ Sapagkat ako ay lubhang naghihikahos.+ Iligtas mo ako mula sa mga nang-uusig sa akin,+ Sapagkat mas malalakas sila kaysa sa akin.+   Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa bartolina+ Upang purihin ang iyong pangalan.+ Matipon nawa sa palibot ko ang mga matuwid,+ Sapagkat nakikitungo ka sa akin nang may kawastuan.+

Talababa