Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 141:1-10

Awitin ni David. 141  O Jehova, tumawag ako sa iyo.+ Magmadali ka sa akin.+ Dinggin mo ang aking tinig kapag tumatawag ako sa iyo.+   Maihanda nawa ang aking panalangin sa harap mo na gaya ng insenso,+ Ang pagtataas ng aking mga palad na gaya ng panggabing handog na mga butil.+   Maglagay ka ng bantay, O Jehova, para sa aking bibig;+ Bantayan mo ang pinto ng aking mga labi.+   Huwag mong ikiling ang aking puso sa anumang bagay na masama,+ Upang magsagawa ng kahiya-hiyang mga gawa sa kabalakyutan+ Kasama ng mga taong nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+ Upang hindi ko kainin ang kanilang masasarap na pagkain.+   Saktan man ako ng matuwid, magiging maibiging-kabaitan pa nga iyon;+ At sawayin man niya ako, magiging langis pa nga iyon sa aking ulo,+ Na hindi tatanggihan ng aking ulo.+ Sapagkat may panalangin pa man din ako sa panahon ng kanilang mga kapahamakan.+   Ang kanilang mga hukom ay inihagis sa mga gilid ng malaking bato,+ Ngunit narinig nila ang aking mga pananalita, na ang mga iyon ay kaiga-igaya.+   Gaya ng isa na nagbibiyak at nagsisibak sa lupa, Ang aming mga buto ay ipinangalat sa bibig ng Sheol.+   Gayunman, ang aking mga mata ay nakatuon sa iyo,+ O Jehova na Soberanong Panginoon.+ Sa iyo ako nanganganlong.+ Huwag mong ibuhos ang aking kaluluwa.+   Ingatan mo ako mula sa pagkakahawak ng bitag na iniumang nila sa akin+ At mula sa mga silo ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.+ 10  Ang mga balakyot ay sama-samang mahuhulog sa sarili nilang mga lambat,+ Habang ako naman ay dumaraan.

Talababa