Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 140:1-13

Para sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 140  Iligtas mo ako, O Jehova, mula sa masasamang tao;+Bantayan mo nawa ako mula sa taong may mga gawang karahasan,+   Yaong mga nagpapakana ng masasamang bagay sa kanilang puso,+Na buong araw ay nandadaluhong gaya ng sa mga digmaan.+   Pinatalas nila ang kanilang dila na tulad ng sa serpiyente;+Ang kamandag ng may-sungay na ulupong ay nasa ilalim ng kanilang mga labi.+ Selah.   Ingatan mo ako, O Jehova, mula sa mga kamay ng balakyot;+Bantayan mo nawa ako mula sa taong may mga gawang karahasan,+Yaong mga nagpakanang itulak ang aking mga hakbang.+   Ang mga palalo ay nagtago ng isang bitag para sa akin;+At naglatag sila ng mga lubid bilang lambat sa tabi ng landas.+Naglagay sila ng mga silo para sa akin.+ Selah.   Sinabi ko kay Jehova: “Ikaw ang aking Diyos.+Dinggin mo, O Jehova, ang tinig ng aking mga pamamanhik.”+   O Jehova na Soberanong Panginoon,+ na lakas ng aking kaligtasan,+Nililiman mo ang aking ulo sa araw ng hukbong sandatahan.+   Huwag mong ipagkaloob, O Jehova, ang mga paghahangad ng balakyot.+Huwag mong itaguyod ang kaniyang pakana, upang hindi sila magmalaki.+ Selah.   Kung tungkol sa mga ulo ng mga pumapalibot sa akin,+Takpan nawa sila ng kabagabagan ng kanilang sariling mga labi.+ 10  Hulugan nawa sila ng nagniningas na mga baga.+Pabagsakin nawa sila sa apoy,+ sa mga hukay na may tubig, upang hindi na sila makabangon pa.+ 11  Ang mapagsalita nang labis—huwag nawa siyang matatag nang matibay sa lupa.+Ang taong marahas—hanapin nawa siya ng kasamaan nang may paulit-ulit na ulos.+ 12  Nalalaman kong lubos na ilalapat ni Jehova+Ang pag-aangkin sa batas ng napipighati, ang kahatulan sa mga dukha.+ 13  Walang pagsalang ang mga matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan;+Ang mga matapat ay mananahanan sa harap ng iyong mukha.+

Talababa