Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 14:1-7

Sa tagapangasiwa. Ni David. 14  Ang hangal ay nagsabi sa kaniyang puso: “Walang Jehova.”+ Gumawi sila nang kapaha-pahamak,+ gumawi sila nang karima-rimarim sa kanilang gawain. Walang sinumang gumagawa ng mabuti.+   Kung tungkol kay Jehova, dinudungaw niya mula sa langit ang mga anak ng mga tao,+ Upang tingnan kung may sinumang may kaunawaan, sinumang humahanap kay Jehova.+   Silang lahat ay lumihis,+ silang lahat ay pawang tiwali;+ Walang sinumang gumagawa ng mabuti,+ Wala ni isa man.+   Wala ba sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit ang may kaalaman,+ Na lumalamon sa aking bayan gaya ng pagkain nila sa tinapay?+ Ni hindi sila tumatawag kay Jehova.+   Doon ay napuspos sila ng malaking panghihilakbot,+ Sapagkat si Jehova ay nasa salinlahi ng matuwid.+   Ang payo ng napipighati ay inilalagay ninyo sa kahihiyan, Sapagkat si Jehova ang kaniyang kanlungan.+   O kung sa Sion sana manggaling ang kaligtasan ng Israel!+ Kapag tinipong muli ni Jehova ang mga nabihag sa kaniyang bayan,+ Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.+

Talababa