Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 139:1-24

Para sa tagapangasiwa. Ni David. Isang awitin. 139  O Jehova, siniyasat mo ako, at kilala mo ako.+   Nalalaman mo rin ang aking pag-upo at ang aking pagtayo.+ Isinaalang-alang mo ang aking kaisipan mula sa malayo.+   Ang aking paglalakbay at ang aking paghigang nakaunat ay sinukat mo,+ At naging pamilyar ka sa lahat nga ng aking mga lakad.+   Sapagkat wala pa mang salita sa aking dila,+ Ngunit, narito! O Jehova, alam mo nang lahat iyon.+   Sa likuran at sa harap, kinubkob mo ako; At ipinatong mo sa akin ang iyong kamay.   Ang gayong kaalaman ay lubhang kamangha-mangha para sa akin.+ Napakataas niyaon anupat hindi ko maabot.+   Saan ako makaparoroon mula sa iyong espiritu,+ At saan ako makatatakbo mula sa iyong mukha?+   Kung aakyat ako sa langit, naroon ka;+ At kung ilalatag ko ang aking higaan sa Sheol, narito! ikaw ay doroon.+   Kung kukunin ko ang mga pakpak+ ng bukang-liwayway, Upang makatahan ako sa kalayu-layuang dagat,+ 10  Doon din ay papatnubayan ako ng iyong kamay+ At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.+ 11  At kung sasabihin ko: “Tiyak na mabilis akong aagawin ng kadiliman!”+ Ang gabi nga ay magiging liwanag sa palibot ko.+ 12  Maging ang kadiliman ay hindi magiging napakadilim sa iyo,+ Kundi ang gabi ay magliliwanag na gaya ng araw;+ Ang kadiliman ay para na ring liwanag.+ 13  Sapagkat ikaw mismo ang gumawa ng aking mga bato;+ Iningatan mo akong natatabingan sa tiyan ng aking ina.+ 14  Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.+ Ang iyong mga gawa ay kamangha-mangha,+ Gaya ng lubos na nababatid ng aking kaluluwa.+ 15  Ang aking mga buto ay hindi nakubli sa iyo+ Nang ako ay ginawa sa lihim,+ Nang ako ay hinabi sa pinakamabababang bahagi+ ng lupa. 16  Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi,+ At sa iyong aklat ay nakatala ang lahat ng bahagi nito, Tungkol sa mga araw nang bigyang-anyo ang mga iyon+ At wala pa ni isa man sa kanila. 17  Kaya sa akin ay pagkahala-halaga ng iyong mga kaisipan!+ O Diyos, pagkarami-rami ng hustong kabuuan ng mga iyon!+ 18  Kung susubukan kong bilangin, ang mga iyon ay mas marami pa kaysa sa mga butil ng buhangin.+ Nagising ako, at kasama pa rin kita.+ 19  O kung pinatay mo na sana ang balakyot, O Diyos!+ Kung magkagayon ay tiyak na hihiwalay sa akin ang mga taong may pagkakasala sa dugo,+ 20  Na nagsasabi ng mga bagay tungkol sa iyo ayon sa kanilang kaisipan;+ Ginagamit nila ang iyong pangalan sa walang-kabuluhang paraan+—ng iyong mga kalaban.+ 21  Hindi ko ba kinapopootan yaong mga masidhing napopoot sa iyo, O Jehova,+ At hindi ba ako naririmarim sa mga sumasalansang sa iyo?+ 22  Napopoot ako sa kanila taglay ang ganap na pagkapoot.+ Sila ay naging tunay na mga kaaway ko.+ 23  Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo ang aking puso.+ Suriin mo ako, at alamin mo ang aking mga nakababalisang kaisipan,+ 24  At tingnan mo kung sa akin ay may anumang nakasasakit na lakad,+ At patnubayan mo ako sa daan+ ng panahong walang takda.

Talababa