Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 138:1-8

Ni David. 138  Pupurihin kita nang aking buong puso.+ Sa harap ng ibang mga diyos ay aawit ako sa iyo.+   Yuyukod ako tungo sa iyong banal na templo,+ At pupurihin ko ang iyong pangalan,+ Dahil sa iyong maibiging-kabaitan+ at dahil sa iyong katapatan.+ Sapagkat dinakila mo ang iyong pananalita+ nang higit pa sa iyong buong pangalan.+   Nang araw na ako ay tumawag, sinagot mo rin ako;+ Pinasimulan mong patapangin ako sa aking kaluluwa sa pamamagitan ng lakas.+   Pupurihin ka ng lahat ng mga hari sa lupa, O Jehova,+ Sapagkat maririnig nila ang mga pananalita ng iyong bibig.   At aawit sila tungkol sa mga daan ni Jehova,+ Sapagkat ang kaluwalhatian ni Jehova ay dakila.+   Sapagkat si Jehova ay mataas, gayunma’y nakikita niya ang mapagpakumbaba;+ Ngunit ang matayog ay kilala lamang niya sa malayo.+   Kung lalakad man ako sa gitna ng kabagabagan, iingatan mo akong buháy.+ Dahil sa galit ng aking mga kaaway ay iuunat mo ang iyong kamay,+ At ililigtas ako ng iyong kanang kamay.+   Si Jehova ang tatapos niyaong para sa aking kapakanan.+ O Jehova, hanggang sa panahong walang takda ang iyong maibiging-kabaitan.+ Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.+

Talababa