Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 137:1-9

137  Sa tabi ng mga ilog ng Babilonya+—doon kami umupo.+ Tumangis din kami nang maalaala namin ang Sion.+   Sa mga punong alamo+ sa gitna niya Ay isinabit namin ang aming mga alpa.+   Sapagkat yaong mga humahawak sa amin bilang bihag ay doon humihiling sa amin ng mga salita ng isang awit,+ At yaong mga nanlilibak sa amin—ng pagsasaya:+ “Awitin ninyo para sa amin ang isa sa mga awit ng Sion.”+   Paano namin maaawit ang awit kay Jehova+ Sa banyagang lupain?+   Kung kalilimutan kita, O Jerusalem,+ Maging malilimutin na sana ang aking kanang kamay.   Dumikit na sana sa ngalangala ko ang aking dila,+ Kung hindi kita aalalahanin,+ Kung hindi ko itataas ang Jerusalem Nang higit pa sa aking pangunahing dahilan ng pagsasaya.+   Alalahanin mo,+ O Jehova, ang araw ng Jerusalem+ may kinalaman sa mga anak ng Edom,+ Na mga nagsasabi: “Gibain iyon! Gibain iyon hanggang sa pundasyon sa loob niyaon!”+   O anak na babae ng Babilonya, na sasamsaman,+ Magiging maligaya siya na gumaganti sa iyo+ Ng iyong pakikitungo na ipinakitungo mo sa amin.+   Magiging maligaya siya na susunggab at maghahampas+ Ng iyong mga anak sa malaking bato.

Talababa