Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 136:1-26

136  Magpasalamat kayo kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+   Magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+   Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+   Sa mag-isang Gumagawa ng kamangha-mangha at dakilang mga bagay:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+   Sa Isa na lumikha ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+   Sa Isa na naglatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+   Sa Isa na lumikha ng malalaking tanglaw:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+   Ng araw nga upang magpuno kapag araw:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+   Ng buwan at ng mga bituin upang sama-samang magpuno kapag gabi:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 10  Sa Isa na nanakit sa Ehipto sa kanilang mga panganay:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 11  At sa Isa na naglabas sa Israel mula sa gitna nila:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 12  Sa pamamagitan ng malakas na kamay at sa pamamagitan ng bisig na nakaunat:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda; 13  Sa Isa na humati sa Dagat na Pula sa baha-bahagi:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 14  At siyang nagparaan sa Israel sa gitna nito:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 15  At siyang nagbulid kay Paraon at sa kaniyang hukbong militar sa Dagat na Pula:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 16  Sa Isa na pumatnubay sa kaniyang bayan sa ilang:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 17  Sa Isa na nanakit ng mga dakilang hari:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 18  At siyang pumatay ng mariringal na hari:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 19  Maging kay Sihon na hari ng mga Amorita:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 20  At kay Og na hari ng Basan:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 21  At siyang nagbigay ng kanilang lupain bilang mana:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 22  Isang mana sa Israel na kaniyang lingkod:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 23  Na umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 24  At siyang paulit-ulit na umagaw sa atin mula sa ating mga kalaban:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 25  Ang Isa na nagbibigay ng pagkain sa lahat ng laman:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda;+ 26  Magpasalamat kayo sa Diyos ng langit:+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.+

Talababa