Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 135:1-21

135  Purihin ninyo si Jah!+ Purihin ninyo ang pangalan ni Jehova,+ Maghandog kayo ng papuri, O mga lingkod ni Jehova,+   Kayong mga nakatayo sa bahay ni Jehova,+ Sa mga looban ng bahay ng ating Diyos.+   Purihin si Jah, sapagkat si Jehova ay mabuti.+ Umawit kayo sa kaniyang pangalan, sapagkat ito ay kaiga-igaya.+   Sapagkat pinili ni Jah si Jacob para sa kaniyang sarili,+ Ang Israel bilang kaniyang pantanging pag-aari.+   Sapagkat nalalaman kong lubos na si Jehova ay dakila,+ At ang ating Panginoon ay nakahihigit kaysa sa lahat ng iba pang diyos.+   Ang lahat ng kinalugdang gawin ni Jehova ay kaniyang ginawa+ Sa langit at sa lupa, sa mga dagat at sa lahat ng matubig na mga kalaliman.+   Nagpapailanlang siya ng singaw mula sa dulo ng lupa;+ Gumawa pa man din siya ng mga paagusan para sa ulan;+ Inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan,+   Siyang nanakit sa mga panganay ng Ehipto,+ Sa tao man at sa hayop.+   Nagsugo siya ng mga tanda at mga himala sa gitna mo, O Ehipto,+ Kay Paraon at sa lahat ng kaniyang mga lingkod;+ 10  Siyang nanakit ng maraming bansa+ At pumatay ng mga makapangyarihang hari,+ 11  Maging kay Sihon na hari ng mga Amorita+ At kay Og na hari ng Basan+ At sa lahat ng mga kaharian sa Canaan,+ 12  At siyang nagbigay ng kanilang lupain bilang mana,+ Isang mana sa Israel na kaniyang bayan.+ 13  O Jehova, ang iyong pangalan ay hanggang sa panahong walang takda.+ O Jehova, ang iyong pinakaalaala ay sa sali’t salinlahi.+ 14  Sapagkat ipagtatanggol ni Jehova ang usapin ng kaniyang bayan,+ At ikalulungkot niya ang tungkol sa kaniyang mga lingkod.+ 15  Ang mga idolo ng mga bansa ay pilak at ginto,+ Ang gawa ng mga kamay ng makalupang tao.+ 16  May bibig sila, ngunit wala silang masalita;+ May mga mata sila, ngunit wala silang makita;+ 17  May mga tainga sila, ngunit wala silang marinig.+ Wala ring espiritu sa kanilang bibig.+ 18  Yaong mga gumagawa sa kanila ay magiging tulad nila,+ Ang bawat isa na nagtitiwala sa kanila.+ 19  O sambahayan ni Israel, pagpalain ninyo si Jehova.+ O sambahayan ni Aaron, pagpalain ninyo si Jehova.+ 20  O sambahayan ni Levi, pagpalain ninyo si Jehova.+ Kayong mga natatakot kay Jehova, pagpalain ninyo si Jehova.+ 21  Pagpalain nawa si Jehova mula sa Sion,+ Na siyang tumatahan sa Jerusalem.+ Purihin ninyo si Jah!+

Talababa