Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 132:1-18

Awit ng mga Pagsampa. 132  Alalahanin mo, O Jehova, tungkol kay David+ Ang lahat ng kaniyang kahihiyan;+   Kung paano siya sumumpa kay Jehova,+ Kung paano siya nanata sa Makapangyarihan+ ng Jacob:+   “Hindi ako papasok sa tolda ng aking bahay.+ Hindi ako sasampa sa kama ng aking maringal na higaan,+   Hindi ako magbibigay ng tulog sa aking mga mata,+ Ni ng idlip man sa aking nagniningning na mga mata,+   Hanggang sa makasumpong ako ng dako para kay Jehova,+ Isang maringal na tabernakulo para sa Makapangyarihan ng Jacob.”+   Narito! Narinig namin iyon sa Eprata,+ Nasumpungan namin iyon sa mga parang ng kagubatan.+   Pumasok tayo sa kaniyang maringal na tabernakulo;+ Yumukod tayo sa harap ng kaniyang tuntungan.+   Bumangon ka, O Jehova, sa iyong pahingahang-dako,+ Ikaw at ang Kaban+ ng iyong lakas.+   Maramtan nawa ng katuwiran ang iyong mga saserdote,+ At humiyaw nawa nang may kagalakan ang iyong mga matapat.+ 10  Dahil kay David na iyong lingkod,+ Huwag mong italikod ang mukha ng iyong pinahiran.+ 11  Si Jehova ay sumumpa kay David,+ Tunay na hindi niya ito uurungan:+ “Mula sa bunga ng iyong tiyan+ Ang ilalagay ko sa iyong trono.+ 12  Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan+ At ang aking mga paalaalang ituturo ko sa kanila,+ Ang kanilang mga anak din ay magpakailanman+ Na uupo sa iyong trono.”+ 13  Sapagkat pinili ni Jehova ang Sion;+ Pinanabikan niya iyon bilang tahanan para sa kaniyang sarili:+ 14  “Ito ang aking pahingahang-dako magpakailanman;+ Dito ako tatahan, sapagkat ito ay pinanabikan ko.+ 15  Ang mga panustos nito ay walang pagsalang pagpapalain ko.+ Ang kaniyang mga dukha ay bubusugin ko ng tinapay.+ 16  At ang kaniyang mga saserdote ay daramtan ko ng kaligtasan;+ At ang kaniyang mga matapat ay walang pagsalang hihiyaw nang may kagalakan. 17  Doon ko patutubuin ang sungay ni David.+ Ipinag-ayos ko ng lampara ang aking pinahiran.+ 18  Ang kaniyang mga kaaway ay daramtan ko ng kahihiyan;+ Ngunit sa kaniya ay mamumukadkad ang kaniyang diadema.”+

Talababa