Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 128:1-6

Awit ng mga Pagsampa. 128  Maligaya ang bawat isa na natatakot kay Jehova,+ Na lumalakad sa kaniyang mga daan.+   Sapagkat kakainin mo ang pinagpagalan ng iyong sariling mga kamay.+ Magiging maligaya ka at ikaw ay mapapabuti.+   Ang iyong asawa ay magiging tulad ng punong ubas na namumunga+ Sa mga kaloob-loobang bahagi ng iyong bahay. Ang iyong mga anak ay magiging tulad ng mga sibol ng mga punong olibo+ sa buong palibot ng iyong mesa.   Narito! Ganiyan pagpapalain ang matipunong lalaki+ Na natatakot kay Jehova.+   Pagpapalain ka ni Jehova mula sa Sion.+ Tingnan mo rin ang buti ng Jerusalem sa lahat ng mga araw ng iyong buhay,+   At tingnan mo ang mga anak ng iyong mga anak.+ Magkaroon nawa ng kapayapaan sa Israel.+

Talababa