Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 127:1-5

Awit ng mga Pagsampa. Ni Solomon. 127  Malibang si Jehova ang magtayo ng bahay,+ Walang kabuluhan ang pagpapagal ng mga tagapagtayo nito.+ Malibang si Jehova ang magbantay sa lunsod,+ Walang kabuluhan ang pananatiling gising ng bantay.+   Walang kabuluhan sa inyo na maaga kayong bumabangon,+ Na umuupo kayo nang gabi na,+ Na kumakain kayo ng pagkain kasabay ng mga kirot.+ Sa ganito ring paraan ay pinagkakalooban niya ng pagtulog ang kaniyang minamahal.+   Narito! Ang mga anak ay mana mula kay Jehova;+ Ang bunga ng tiyan ay isang gantimpala.+   Tulad ng mga palaso sa kamay ng makapangyarihang lalaki,+ Gayon ang mga anak ng kabataan.+   Maligaya ang matipunong lalaki na ang kaniyang talanga ay pinunô+ niya ng mga iyon. Hindi sila mapapahiya,+ Sapagkat makikipag-usap sila sa mga kaaway sa pintuang-daan.

Talababa