Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 126:1-6

Awit ng mga Pagsampa. 126  Nang muling tipunin ni Jehova ang mga nabihag sa Sion,+ Tayo ay naging tulad niyaong mga nananaginip.+   Nang panahong iyon ay napuno ng pagtawa ang ating bibig,+ At ng hiyaw ng kagalakan ang ating dila.+ Nang panahong iyon ay sinabi nila sa gitna ng mga bansa:+ “Si Jehova ay gumawa ng dakilang bagay sa ginawa niya sa kanila.”+   Si Jehova ay gumawa ng dakilang bagay sa ginawa niya sa atin.+ Tayo ay nagalak.+   Tipunin mong muli, O Jehova, ang aming pangkat ng mga bihag,+ Na tulad ng mga batis sa Negeb.+   Yaong mga naghahasik ng binhi na may mga luha+ Ay gagapas na may hiyaw ng kagalakan.+   Siya na walang pagsalang yumayaon, na tumatangis pa man din,+ Na may dala-dalang isang supot ng binhi,+ Ay walang pagsalang papasok na may hiyaw ng kagalakan,+ Na dala-dala ang kaniyang mga tungkos.+

Talababa