Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 125:1-5

Awit ng mga Pagsampa. 125  Yaong mga nagtitiwala kay Jehova+ Ay tulad ng Bundok Sion,+ na hindi makikilos, kundi tumatahan hanggang sa panahong walang takda.+   Ang Jerusalem—kung paanong napalilibutan ito ng mga bundok,+ Gayon pinalilibutan ni Jehova ang kaniyang bayan+ Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+   Sapagkat ang setro ng kabalakyutan ay hindi mananatili+ sa takdang bahagi ng mga matuwid, Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang kamay sa anumang paggawa ng masama.+   O gawan mo nawa ng mabuti, O Jehova, ang mabubuti,+ Yaon ngang mga matuwid ang kanilang mga puso.+   Kung tungkol sa mga bumabaling sa kanilang mga likong daan,+ Paaalisin sila ni Jehova na kasama ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.+ Magkakaroon ng kapayapaan sa Israel.+

Talababa