Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

Awit 123:1-4

Awit ng mga Pagsampa. 123  Itinitingin ko sa iyo ang aking mga mata,+O Ikaw na tumatahan sa langit.+   Narito! Kung paanong ang mga mata ng mga lingkod ay nakatingin sa kamay ng kanilang panginoon,+Kung paanong ang mga mata ng alilang babae ay nakatingin sa kamay ng kaniyang among babae,+Gayon nakatingin ang aming mga mata kay Jehova na aming Diyos+Hanggang sa pagpakitaan niya kami ng lingap.+   Pagpakitaan mo kami ng lingap, O Jehova, pagpakitaan mo kami ng lingap;+Sapagkat lubha kaming nalipos ng paghamak.+   Ang aming kaluluwa ay lubhang nalipos ng pang-aalipusta niyaong mga panatag,+Ng panghahamak ng mga mapagmataas.+

Talababa