Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 121:1-8

Awit para sa mga Pagsampa. 121  Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok.+ Saan magmumula ang tulong sa akin?+   Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova,+ Ang Maylikha ng langit at lupa.+   Hindi niya maaaring ipahintulot na ang iyong paa ay makilos.+ Ang Isa na nagbabantay sa iyo ay hindi maaaring antukin.+   Narito! Hindi siya aantukin ni matutulog man,+ Siya na nagbabantay sa Israel.+   Binabantayan ka ni Jehova.+ Si Jehova ang iyong lilim+ sa iyong kanan.+   Kapag araw ay hindi ka sasaktan ng araw,+ Ni ng buwan man kapag gabi.+   Babantayan ka ni Jehova laban sa lahat ng kapahamakan.+ Babantayan niya ang iyong kaluluwa.+   Babantayan ni Jehova ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok+ Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+

Talababa