Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 120:1-7

Awit ng mga Pagsampa. 120  Tumawag ako kay Jehova sa aking kabagabagan,+At sinagot niya ako.+   O Jehova, iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa mga labing bulaan,+Mula sa mapandayang dila.+   Ano ba ang ibibigay sa iyo, at ano ba ang idaragdag sa iyo,O ikaw na mapandayang dila?+   Pinatulis na mga palaso ng makapangyarihang lalaki,+Na may nagniningas na mga baga ng mga punong retama.+   Sa aba ko, sapagkat nanirahan ako bilang dayuhan sa Mesec!+Nagtabernakulo akong kasama ng mga tolda ng Kedar.+   Napakatagal nang nagtatabernakulo ng aking kaluluwa+Kasama ng mga napopoot sa kapayapaan.+   Naninindigan ako para sa kapayapaan;+ ngunit kapag nagsasalita ako,Sila ay para sa digmaan.+

Talababa