Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 118:1-29

118  Magpasalamat kayo kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti;+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.+   Sabihin ngayon ng Israel: “Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”+   Sabihin ngayon niyaong mga sa sambahayan ni Aaron:+ “Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”+   Sabihin ngayon niyaong mga may takot kay Jehova:+ “Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”+   Mula sa mga nakapipighating kalagayan ay tumawag ako kay Jah;+ Si Jah ay sumagot at inilagay niya ako sa maluwang na dako.+   Si Jehova ay nasa panig ko; hindi ako matatakot.+ Ano ang magagawa sa akin ng makalupang tao?+   Si Jehova ay nasa panig ko sa gitna niyaong mga tumutulong sa akin,+ Kaya ako mismo ay titingin sa mga napopoot sa akin.+   Mas mabuting manganlong kay Jehova+ Kaysa sa magtiwala sa makalupang tao.+   Mas mabuting manganlong kay Jehova+ Kaysa sa magtiwala sa mga taong mahal.+ 10  Pinalibutan ako ng lahat ng mga bansa.+ Dahil sa pangalan ni Jehova kung kaya ko sila napipigilan.+ 11  Pinalibutan nila ako, oo, napalibutan na nila ako.+ Dahil sa pangalan ni Jehova kung kaya ko sila napipigilan. 12  Pinalibutan nila akong tulad ng mga bubuyog;+ Sila ay pinatay na tulad ng apoy sa mga tinikang-palumpong.+ Dahil sa pangalan ni Jehova kung kaya ko sila napipigilan.+ 13  Itinulak mo ako nang malakas upang ako ay mabuwal,+ Ngunit tinulungan ako ni Jehova.+ 14  Si Jah ang aking silungan at aking kalakasan,+ At sa akin ay nagiging kaligtasan siya.+ 15  Ang tinig ng hiyaw ng kagalakan at kaligtasan+ Ay nasa mga tolda+ ng mga matuwid.+ Ang kanang kamay ni Jehova ay nagpapakita ng kalakasan.+ 16  Ang kanang kamay ni Jehova ay natataas;+ Ang kanang kamay ni Jehova ay nagpapakita ng kalakasan.+ 17  Hindi ako mamamatay, kundi mananatili akong buháy,+ Upang maipahayag ko ang mga gawa ni Jah.+ 18  May-kahigpitan akong itinuwid ni Jah,+ Ngunit hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.+ 19  Buksan ninyo para sa akin ang mga pintuang-daan ng katuwiran.+ Papasok ako sa mga iyon; pupurihin ko si Jah.+ 20  Ito ang pintuang-daan ni Jehova.+ Ang mga matuwid ay papasok doon.+ 21  Pupurihin kita, sapagkat sinagot mo ako+ At ikaw ang naging kaligtasan ko.+ 22  Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo+ Ang naging ulo ng panulukan.+ 23  Ito ay nagmula kay Jehova;+ Kamangha-mangha ito sa ating mga mata.+ 24  Ito ang araw na ginawa ni Jehova;+ Tayo ay magagalak at magsasaya rito.+ 25  Ah, ngayon, Jehova, magligtas ka, pakisuyo!+ Ah, ngayon, Jehova, maggawad ka ng tagumpay, pakisuyo!+ 26  Pagpalain nawa ang Isa na dumarating sa pangalan ni Jehova;+ Pinagpala namin kayo mula sa bahay ni Jehova.+ 27  Si Jehova ang Makapangyarihan,+ At binibigyan niya tayo ng liwanag.+ Talian ninyo ng mga sanga+ ang prusisyong pangkapistahan,+ Hanggang sa mga sungay ng altar.+ 28  Ikaw ang aking Makapangyarihan, at pupurihin kita;+ Aking Diyos—dadakilain kita.+ 29  Magpasalamat kayo kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti;+ Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.+

Talababa