Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 116:1-19

116  Ako ay umiibig, sapagkat dinirinig ni Jehova+ Ang aking tinig, ang aking mga pamamanhik.+   Sapagkat ikiniling niya sa akin ang kaniyang pandinig,+ At sa lahat ng aking mga araw ay tatawag ako.+   Kinulong ako ng mga lubid ng kamatayan+ At nasumpungan ako ng mga nakapipighating kalagayan ng Sheol.+ Kabagabagan at pamimighati ang lagi kong nasusumpungan.+   Ngunit tumawag ako sa pangalan ni Jehova:+ “Ah, Jehova, paglaanan mo ng pagtakas ang aking kaluluwa!”+   Si Jehova ay magandang-loob at matuwid;+ At ang ating Diyos ay Isa na nagpapakita ng awa.+   Binabantayan ni Jehova ang mga walang-karanasan.+ Ako ay naghikahos, at iniligtas nga niya ako.+   Bumalik ka sa iyong pahingahang-dako, O kaluluwa ko,+ Sapagkat si Jehova ay nakitungo sa iyo nang may kawastuan.+   Sapagkat iniligtas mo ang aking kaluluwa mula sa kamatayan,+ Ang aking mata mula sa mga luha, ang aking paa mula sa pagkatisod.+   Lalakad ako+ sa harap ni Jehova sa mga lupain ng mga buháy.+ 10  Ako ay nanampalataya,+ sapagkat ako ay nagsalita.+ Ako mismo ay lubhang napighati. 11  Ako, sa ganang akin, ay nagsabi, nang ako ay mahintakutan:+ “Ang lahat ng tao ay sinungaling.”+ 12  Ano ang igaganti ko kay Jehova+ Sa lahat ng mga pakinabang ko mula sa kaniya?+ 13  Ang kopa ng dakilang kaligtasan+ ay aking kukunin, At sa pangalan ni Jehova ay tatawag ako.+ 14  Ang aking mga panata ay tutuparin ko kay Jehova,+ Oo, sa harap ng kaniyang buong bayan. 15  Mahalaga sa paningin ni Jehova Ang kamatayan ng kaniyang mga matapat.+ 16  Ah, ngayon, O Jehova,+ Sapagkat ako ay iyong lingkod.+ Ako ay iyong lingkod, ang anak ng iyong aliping babae.+ Kinalag mo ang aking mga tali.+ 17  Sa iyo ay ihahandog ko ang hain ng pasasalamat,+ At sa pangalan ni Jehova ay tatawag ako.+ 18  Ang aking mga panata ay tutuparin ko kay Jehova,+ Oo, sa harap ng kaniyang buong bayan,+ 19  Sa mga looban ng bahay ni Jehova,+ Sa gitna mo, O Jerusalem.+ Purihin ninyo si Jah!+

Talababa