Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 115:1-18

115  Sa amin ay walang nauukol, O Jehova, sa amin ay walang nauukol,+ Kundi ang magbigay ng kaluwalhatian sa iyong pangalan+ Ayon sa iyong maibiging-kabaitan, ayon sa iyong katapatan.+   Bakit sasabihin ng mga bansa:+ “Nasaan ngayon ang kanilang Diyos?”+   Ngunit ang aming Diyos ay nasa langit;+ Ang lahat ng kinalugdan niyang gawin ay kaniyang ginawa.+   Ang kanilang mga idolo ay pilak at ginto,+ Ang gawa ng mga kamay ng makalupang tao.+   May bibig sila, ngunit hindi sila makapagsalita;+ May mga mata sila, ngunit hindi sila makakita;+   May mga tainga sila, ngunit hindi sila makarinig.+ May ilong sila, ngunit hindi sila makaamoy.+   May mga kamay sila, ngunit hindi sila makahipo.+ May mga paa sila, ngunit hindi sila makalakad;+ Hindi makabigkas ng tinig ang kanilang lalamunan.+   Yaong mga gumagawa sa kanila ay magiging tulad nila,+ Ang lahat ng nagtitiwala sa kanila.+   O Israel, magtiwala ka kay Jehova;+ Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+ 10  O sambahayan ni Aaron, maglagak kayo ng tiwala kay Jehova;+ Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+ 11  Kayong mga natatakot kay Jehova, magtiwala kayo kay Jehova;+ Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+ 12  Inaalaala tayo ni Jehova; pagpapalain niya,+ Pagpapalain niya ang sambahayan ni Israel,+ Pagpapalain niya ang sambahayan ni Aaron.+ 13  Pagpapalain niya yaong mga may takot kay Jehova,+ Ang maliliit at gayundin ang malalaki.+ 14  Palalaguin kayo ni Jehova,+ Kayo at ang inyong mga anak.+ 15  Kayo ang mga pinagpala ni Jehova,+ Ang Maylikha ng langit at lupa.+ 16  Kung tungkol sa langit, ang langit ay kay Jehova,+ Ngunit ang lupa ay ibinigay niya sa mga anak ng mga tao.+ 17  Ang mga patay ay hindi pumupuri kay Jah,+ Ni ang sinumang bumababa sa katahimikan.+ 18  Ngunit kami ang mag-uukol ng pagpapala kay Jah+ Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+ Purihin ninyo si Jah!+

Talababa