Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 113:1-9

113  Purihin ninyo si Jah!+ Maghandog kayo ng papuri, O kayong mga lingkod ni Jehova,+ Purihin ninyo ang pangalan ni Jehova.+   Pagpalain nawa ang pangalan ni Jehova+ Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+   Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito+ Ang pangalan ni Jehova ay dapat purihin.+   Si Jehova ay naging mataas nang higit sa lahat ng mga bansa;+ Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng langit.+   Sino ang tulad ni Jehova na ating Diyos,+ Siya na tumatahan sa kaitaasan?+   Siya ay nagpapakababa upang tumingin sa langit at lupa,+   Ibinabangon ang maralita mula sa mismong alabok;+ Itinataas niya ang dukha mula sa hukay ng abo,+   Upang paupuin siyang kasama ng mga taong mahal,+ Kasama ng mga taong mahal ng kaniyang bayan.+   Pinatatahan niya sa isang bahay ang babaing baog+ Bilang masayang ina ng mga anak.+ Purihin ninyo si Jah!+

Talababa