Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 111:1-10

111  Purihin ninyo si Jah!+א [Alep]Dadakilain ko si Jehova nang aking buong puso+ב [Bet]Sa matalik na kapisanan+ ng mga matuwid at sa kapulungan.+ ג [Gimel]   Ang mga gawa ni Jehova ay dakila,+ד [Dalet]Sinasaliksik ng lahat ng nalulugod sa mga iyon.+ ה [He]   Ang kaniyang gawa+ ay dangal at karilagan,+ו [Waw]At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman.+ ז [Zayin]   Isang pinakaalaala ang ginawa niya para sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa.+ח [Ket]Si Jehova ay magandang-loob at maawain.+ ט [Tet]   Nagbigay siya ng pagkain sa mga may takot sa kaniya.+י [Yod]Hanggang sa panahong walang takda ay aalalahanin niya ang kaniyang tipan.+ כ [Kap]   Ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa ay isinaysay niya sa kaniyang bayan,+ל [Lamed]Nang ibigay sa kanila ang mana ng mga bansa.+ מ [Mem]   Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan;+נ [Nun]Mapagkakatiwalaan ang lahat ng mga pag-uutos na ibinibigay niya,+ ס [Samek]   Lubos na nasusuhayan magpakailanman, hanggang sa panahong walang takda,+ע [Ayin]Ginawa sa katotohanan at katuwiran.+ פ [Pe]   Nagsugo siya ng katubusan sa kaniyang bayan.+צ [Tsade]Hanggang sa panahong walang takda ay iniutos niya ang kaniyang tipan.+ק [Kop]Ang kaniyang pangalan ay banal at kakila-kilabot.+ ר [Res] 10  Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng karunungan.+ש [Sin]Ang lahat ng nagsasagawa ng mga iyon ay may mabuting kaunawaan.+ת [Taw]Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailanman.+

Talababa