Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 110:1-7

Ni David. Isang awitin. 110  Ang sinabi ni Jehova sa aking Panginoon ay:+ “Umupo ka sa aking kanan+ Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa.”+   Ang tungkod+ ng iyong lakas ay isusugo ni Jehova mula sa Sion,+ na nagsasabi: “Manupil ka sa gitna ng iyong mga kaaway.”+   Ang iyong bayan+ ay kusang-loob na maghahandog ng kanilang sarili+ sa araw ng iyong hukbong militar.+ Sa mga karilagan ng kabanalan,+ mula sa bahay-bata ng bukang-liwayway, Ikaw ay may pulutong ng mga kabataan na gaya ng mga patak ng hamog.+   Si Jehova ay sumumpa+ (at hindi siya magsisisi):+ “Ikaw ay isang saserdote hanggang sa panahong walang takda+ Ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec!”+   Si Jehova sa iyong kanan+ Ang dudurog sa mga hari sa araw ng kaniyang galit.+   Maglalapat siya ng kahatulan sa gitna ng mga bansa;+ Pangyayarihin niyang mapuno ito ng mga bangkay.+ Dudurugin nga niya ang pangulo sa lupaing matao.+   Mula sa agusang libis sa daan ay iinom siya.+ Kaya naman lubha niyang itataas ang kaniyang ulo.+

Talababa