Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 11:1-7

Sa tagapangasiwa. Ni David. 11  Kay Jehova ako nanganganlong.+ Ano’t nangangahas kayong magsabi sa aking kaluluwa: “Tumakas kang gaya ng ibon sa inyong bundok!+   Sapagkat, narito! hinuhutok ng mga balakyot ang busog,+ Inihahanda nila sa bagting ang kanilang palaso, Upang panain sa karimlan ang mga matapat ang puso.+   Kapag ang mga pundasyon ay nagiba,+ Ano ang dapat gawin ng sinumang matuwid?”   Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+ Si Jehova—nasa langit ang kaniyang trono.+ Ang kaniyang mga mata ay nagmamasid, ang kaniyang nagniningning na mga mata ay nagsusuri+ sa mga anak ng mga tao.   Si Jehova ang sumusuri sa matuwid at gayundin sa balakyot,+ At ang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga ng Kaniyang kaluluwa.+   Magpapaulan siya sa mga balakyot ng mga bitag, apoy at asupre+ At nakapapasong hangin, bilang takdang bahagi ng kanilang kopa.+   Sapagkat si Jehova ay matuwid;+ iniibig niya ang matuwid na mga gawa.+ Ang mga matapat ang siyang makakakita sa kaniyang mukha.+

Talababa