Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 108:1-13

Isang awit. Awitin ni David. 108  Ang aking puso ay matatag, O Diyos.+ Ako ay aawit at aawit ng papuri,+ Ang akin ngang kaluwalhatian.+   Gumising ka, O panugtog na de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.+ Gigisingin ko ang bukang-liwayway.+   Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova;+ At aawit ako sa iyo sa gitna ng mga liping pambansa.+   Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay dakila hanggang sa langit,+ At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.+   O maging dakila ka nawa sa ibabaw ng langit, O Diyos;+ At mapasaibabaw nawa ng buong lupa ang iyong kaluwalhatian.+   Upang ang iyong mga minamahal ay masagip,+ O magligtas ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at sagutin mo ako.+   Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan:+ “Ako ay magbubunyi, ibibigay ko ang Sikem+ bilang isang bahagi;+ At ang mababang kapatagan ng Sucot+ ay susukatin ko.   Ang Gilead+ ay sa akin; ang Manases+ ay sa akin; At ang Efraim ay tanggulan ng aking pangulo;+ Ang Juda ay aking baston ng kumandante.+   Ang Moab+ ay aking hugasan.+ Sa Edom+ ay ihahagis ko ang aking sandalyas.+ Sa Filistia+ ay may-pagbubunyi akong sisigaw.”+ 10  Sino ang magdadala sa akin sa nakukutaang lunsod?+ Sino nga ba ang papatnubay sa akin hanggang sa Edom?+ 11  Hindi ba ikaw, O Diyos, na siyang nagtakwil sa amin+ At siyang hindi lumalabas na kasama ng aming mga hukbo bilang Diyos?+ 12  Tulungan mo kami mula sa kabagabagan,+ Sapagkat ang pagliligtas ng makalupang tao ay walang kabuluhan.+ 13  Mula sa Diyos ay magtatamo kami ng kalakasan,+ At siya ang yuyurak sa aming mga kalaban.+

Talababa