Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 103:1-22

Ni David. 103  Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko,+ Maging ng lahat ng nasa loob ko, ang kaniyang banal na pangalan.+   Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko, At huwag mong limutin ang lahat ng kaniyang ginagawa,+   Siyang nagpapatawad ng lahat ng iyong kamalian,+ Siyang nagpapagaling ng lahat ng iyong karamdaman,+   Siyang bumabawi ng iyong buhay mula sa hukay mismo,+ Siyang nagpuputong sa iyo ng maibiging-kabaitan at kaawaan,+   Siyang bumubusog sa iyong buong buhay ng bagay na mabuti;+ Ang iyong kabataan ay patuloy na nababagong tulad ng sa agila.+   Si Jehova ay naglalapat ng mga gawang katuwiran+ At ng mga hudisyal na pasiya para sa lahat ng mga dinadaya.+   Ipinaalam niya ang kaniyang mga daan kay Moises,+ Ang kaniyang mga pakikitungo sa mga anak ni Israel.+   Si Jehova ay maawain at magandang-loob,+ Mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan.+   Hindi siya habang panahong maghahanap ng kamalian,+ Ni maghihinanakit man siya hanggang sa panahong walang takda.+ 10  Hindi pa niya ginawa sa atin ang ayon nga sa ating mga kasalanan;+ Ni pinasapitan man niya tayo ng nararapat sa atin ayon sa ating mga kamalian.+ 11  Sapagkat kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa,+ Ang kaniyang maibiging-kabaitan ay nakahihigit para sa mga may takot sa kaniya.+ 12  Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw,+ Gayon kalayo niya inilalagay mula sa atin ang ating mga pagsalansang.+ 13  Kung paanong nagpapakita ng awa ang ama sa kaniyang mga anak,+ Si Jehova ay nagpapakita ng awa sa mga may takot sa kaniya.+ 14  Sapagkat nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin,+ Na inaalaalang tayo ay alabok.+ 15  Kung tungkol sa taong mortal, ang kaniyang mga araw ay tulad ng sa luntiang damo;+ Namumukadkad siyang tulad ng bulaklak sa parang.+ 16  Sapagkat hangin lamang ang dumaan dito, at ito ay wala na;+ At hindi na ito kikilalanin pa ng kaniyang dako.+ 17  Ngunit ang maibiging-kabaitan ni Jehova ay mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda+ Sa mga may takot sa kaniya,+ At ang kaniyang katuwiran hanggang sa mga anak ng mga anak,+ 18  Sa mga nag-iingat ng kaniyang tipan+ At sa mga umaalaala ng kaniyang mga pag-uutos upang isagawa ang mga ito.+ 19  Itinatag ni Jehova nang matibay ang kaniyang trono sa mismong langit;+ At ang kaniyang paghahari ay nagpupuno sa lahat.+ 20  Pagpalain ninyo si Jehova, O ninyong mga anghel+ niya, makapangyarihan sa kalakasan, na tumutupad ng kaniyang salita,+ Sa pakikinig sa tinig ng kaniyang salita.+ 21  Pagpalain ninyo si Jehova, ninyong lahat na mga hukbo niya,+ Ninyong mga lingkod niya, na gumagawa ng kaniyang kalooban.+ 22  Pagpalain ninyo si Jehova, ninyong lahat na mga gawa niya,+ Sa lahat ng dakong kaniyang pinamumunuan.+ Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko.+

Talababa