Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 102:1-28

Panalangin ng napipighati sakaling manghina siya at ibuhos niya ang kaniyang pagkabahala sa harap ni Jehova.+ 102  O Jehova, dinggin mo ang aking panalangin;+ At dumating nawa sa iyo ang aking paghingi ng tulong.+   Huwag mong ikubli sa akin ang iyong mukha sa araw na ako ay nasa kagipitan.+ Ikiling mo sa akin ang iyong pandinig;+ Sa araw na ako ay tumawag, magmadali ka, sagutin mo ako.+   Sapagkat ang aking mga araw ay sumapit sa kawakasan na parang usok,+ At ang akin mismong mga buto ay nag-init na parang apuyan.+   Ang aking puso ay nasaktang tulad ng pananim at natuyo,+ Sapagkat nalimutan kong kainin ang aking pagkain.+   Dahil sa lakas ng aking pagbubuntunghininga+ Ang aking mga buto ay dumikit sa aking laman.+   Kahalintulad ako ng pelikano sa ilang.+ Ako ay naging tulad ng munting kuwago sa mga tiwangwang na dako.   Ako ay namayat, At ako ay naging tulad ng ibong nag-iisa sa ibabaw ng bubong.+   Buong araw akong dinudusta ng aking mga kaaway.+ Yaong mga nanloloko sa akin ay sumumpa pa man din sa pamamagitan ko.+   Sapagkat kinain kong parang tinapay ang abo;+ At ang mga bagay na iniinom ko ay hinaluan ko ng pagtangis,+ 10  Dahil sa iyong pagtuligsa at sa iyong galit;+ Sapagkat ako ay binuhat mo, upang maitapon mo ako.+ 11  Ang aking mga araw ay tulad ng aninong naglalaho,+ At ako mismo ay natuyong tulad lamang ng pananim.+ 12  Kung tungkol sa iyo, O Jehova, tatahan ka hanggang sa panahong walang takda,+ At ang iyong pinakaalaala ay sa sali’t salinlahi.+ 13  Ikaw mismo ay babangon, maaawa ka sa Sion,+ Sapagkat kapanahunan nga ng pagiging mapagbiyaya sa kaniya, Sapagkat ang takdang panahon ay dumating na.+ 14  Sapagkat ang iyong mga lingkod ay nakasumpong ng kaluguran sa kaniyang mga bato,+ At sa kaniyang alabok ay itinutuon nila ang kanilang paglingap.+ 15  At katatakutan ng mga bansa ang pangalan ni Jehova,+ At ng lahat ng mga hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian.+ 16  Sapagkat tiyak na itatayo ni Jehova ang Sion;+ Magpapakita siya na nasa kaniyang kaluwalhatian.+ 17  Babaling nga siya sa panalangin ng mga sinamsaman ng lahat ng bagay,+ At hindi hahamakin ang kanilang panalangin.+ 18  Ito ay nasusulat para sa darating na salinlahi;+ At ang bayang lalalangin ay pupuri kay Jah.+ 19  Sapagkat dumungaw siya mula sa kaniyang banal na kaitaasan,+ Mula sa mismong langit ay tumingin si Jehova sa lupa,+ 20  Upang dinggin ang pagbubuntunghininga ng bilanggo,+ Upang kalagan yaong mga itinalaga sa kamatayan;+ 21  Upang ang pangalan ni Jehova ay maipahayag sa Sion+ At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem,+ 22  Kapag ang mga bayan ay natitipong sama-sama,+ At ang mga kaharian upang maglingkod kay Jehova.+ 23  Sa daan ay pinanghina niya ang aking kalakasan,+ Pinaikli niya ang aking mga araw.+ 24  Sinabi ko: “O Diyos ko, Huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga araw;+ Ang iyong mga taon ay sa lahat ng mga salinlahi.+ 25  Noong sinaunang panahon ay inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa,+ At ang langit ay gawa ng iyong mga kamay.+ 26  Sila ay maglalaho, ngunit ikaw ay mananatiling nakatayo;+ At tulad ng isang kasuutan ay maluluma silang lahat.+ Tulad ng pananamit ay papalitan mo sila, at matatapos ang kanilang kapanahunan.+ 27  Ngunit ikaw ay gayon pa rin, at ang iyong sariling mga taon ay hindi matatapos.+ 28  Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay patuloy na tatahan;+ At sa harap mo ay matibay na matatatag ang kanilang supling.”+

Talababa