Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 101:1-8

Ni David. Isang awitin. 101  Aawit ako tungkol sa maibiging-kabaitan at kahatulan.+Sa iyo, O Jehova, ay aawit ako ng papuri.+   Kikilos ako nang may katalinuhan sa paraang walang pagkukulang.+Kailan ka paririto sa akin?+Ako ay lalakad sa loob ng aking bahay taglay ang katapatan ng aking puso.+   Hindi ako maglalagay sa harap ng aking mga mata ng anumang walang-kabuluhang bagay.+Ang gawain ng mga humihiwalay ay kinapopootan ko;+Hindi iyon kumakapit sa akin.+   Ang pusong liko ay humihiwalay sa akin;+Wala akong nalalamang anumang masama.+   Ang sinumang lihim na naninirang-puri sa kaniyang kasamahan,+Siya ay pinatatahimik ko.+Ang sinumang may mga palalong mata at may mapagmataas na puso,+Siya ay hindi ko mababata.+   Ang aking mga mata ay nakatingin sa mga tapat na nasa lupa,+Upang manahanan silang kasama ko.+Ang lumalakad sa paraang walang pagkukulang,+Siya ang maglilingkod sa akin.+   Walang manggagawa ng pandaraya+ ang mananahanan sa loob ng aking bahay.Kung tungkol sa sinumang nagsasalita ng mga kabulaanan, hindi siya matibay na matatatag+Sa harap ng aking mga mata.+   Tuwing umaga ay patatahimikin ko ang lahat ng balakyot sa lupa,+Upang lipulin mula sa lunsod+ ni Jehova ang lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.+

Talababa