Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 10:1-18

ל [Lamed] 10  O Jehova, bakit ka laging nakatayo sa malayo?+Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?+   Sa kaniyang kapalaluan ay mainitang tinutugis ng balakyot ang napipighati;+Nahuhuli sila ng mga kaisipan na kanilang pinag-isipan.+   Sapagkat pinupuri ng balakyot ang kaniyang sarili dahil sa makasariling hangarin ng kaniyang kaluluwa,+At pinagpapala niyaong kumikita ng labis na pakinabang+ ang kaniyang sarili;נ [Nun]Winalang-galang niya si Jehova.+   Ang balakyot ay hindi nagsasaliksik+ dahil sa kaniyang matayog na kapalaluan;Ang buo niyang kaisipan ay: “Walang Diyos.”+   Ang kaniyang mga lakad ay patuloy na umuunlad sa lahat ng panahon.+Ang iyong mga hudisyal na pasiya ay matataas at hindi niya maabot;+Kung tungkol sa lahat niyaong napopoot sa kaniya, sinisinghalan niya sila.+   Sinabi niya sa kaniyang puso: “Hindi ako makikilos;+Sa sali’t salinlahi ay hindi ako malalagay sa kapahamakan.”+ פ [Pe]   Ang kaniyang bibig ay punô ng mga sumpa at ng mga panlilinlang at ng paniniil.+Sa ilalim ng kaniyang dila ay kabagabagan at bagay na nakasasakit.+   Umuupo siya sa pagtambang sa mga pamayanan;Mula sa mga kubling dako ay papatay siya ng isang sawi.+ ע [Ayin]Ang kaniyang mga mata ay nakabantay sa isang naghihikahos.+   Lagi siyang nag-aabang sa kubling dako tulad ng leon sa kublihan nito.+Lagi siyang nag-aabang+ upang sapilitang tangayin ang napipighati.Sapilitan niyang tinatangay ang napipighati kapag ikinukubkob niya ang kaniyang lambat.+ 10  Siya ay nasisiil, siya ay yumuyukod,At ang hukbo ng mga nalulumbay ay nahuhulog sa kaniyang malalakas na kuko.+ 11  Sinabi niya sa kaniyang puso:+ “Nakalimot ang Diyos.+Ikinubli niya ang kaniyang mukha.+Tiyak na hindi na niya iyon makikita.”+ ק [Kop] 12  Bumangon ka,+ O Jehova. O Diyos, itaas mo ang iyong kamay.+Huwag mong limutin ang mga napipighati.+ 13  Bakit winalang-galang ng balakyot ang Diyos?+Sinabi niya sa kaniyang puso: “Hindi ka hihingi ng pagsusulit.”+ ר [Res] 14  Sapagkat ikaw mismo ay nakakita ng kabagabagan at kaligaligan.Nagmamasid ka, upang ang mga iyon ay mapasaiyong kamay.+Sa iyo ipinagkakatiwala ng isang sawi,+ ng batang lalaking walang ama, ang kaniyang sarili.Ikaw naman ang naging kaniyang katulong.+ ש [Shin] 15  Baliin mo ang bisig ng isang balakyot at masama.+Hanapin mo nawa ang kaniyang kabalakyutan hanggang sa wala ka nang masumpungan.+ 16  Si Jehova ang Hari hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+Ang mga bansa ay nalipol mula sa kaniyang lupain.+ ת [Taw] 17  Ang pagnanasa ng maaamo ay iyo ngang diringgin,+ O Jehova.Ihahanda mo ang kanilang puso.+Magbibigay-pansin ka sa pamamagitan ng iyong pandinig,+ 18  Upang hatulan ang batang lalaking walang ama at ang nasisiil,+Upang ang taong mortal na tagalupa ay huwag nang lumikha pa ng panginginig.+

Talababa