Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit 1:1-6

1  Maligaya+ ang taong hindi lumalakad sa payo ng mga balakyot,+ At sa daan ng mga makasalanan ay hindi tumatayo,+ At sa upuan ng mga manunuya ay hindi umuupo.+   Kundi ang kaniyang kaluguran ay sa kautusan ni Jehova,+ At sa kaniyang kautusan ay nagbabasa siya nang pabulong araw at gabi.+   At siya ay tiyak na magiging tulad ng isang punungkahoy na nakatanim sa tabi ng mga daloy ng tubig,+ Na nagbibigay ng sariling bunga nito sa kaniyang kapanahunan+ At ang mga dahon nito ay hindi nalalanta,+ At ang lahat ng kaniyang gawin ay magtatagumpay.+   Ang mga balakyot ay hindi gayon, Kundi gaya ng ipa na itinataboy ng hangin.+   Kaya naman ang mga balakyot ay hindi tatayo sa paghatol,+ Ni ang mga makasalanan man sa kapulungan ng mga matuwid.+   Sapagkat inaalam ni Jehova ang lakad ng mga matuwid,+ Ngunit ang lakad ng mga balakyot ay papanaw.+

Talababa