Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit ni Solomon 7:1-13

7  “Anong ganda ng iyong mga yapak sa iyong mga sandalyas,+ O nagkukusang+ anak na babae! Ang hubog ng iyong mga hita ay gaya ng mga palamuti,+ na gawa ng mga kamay ng artisano.  Ang kabilugan ng iyong pusod ay mangkok na bilog. Huwag nawa itong magkulang ng hinaluang alak.+ Ang iyong tiyan ay isang bunton ng trigo, na nababakuran ng mga liryo.+  Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang anak, ang kambal ng babaing gasela.+  Ang iyong leeg+ ay gaya ng isang toreng garing. Ang iyong mga mata+ ay gaya ng mga tipunang-tubig sa Hesbon,+ sa tabi ng pintuang-daan ng Bat-rabim. Ang iyong ilong ay gaya ng tore ng Lebanon, na nakatanaw sa Damasco.  Ang iyong ulo ay gaya ng Carmel,+ at ang mga bungkos+ sa iyong ulo ay gaya ng lanang tinina sa mamula-mulang purpura.+ Ang hari ay nabibihag ng mga lugay.+  Anong ganda mo, at anong kaiga-igaya mo, O babaing minamahal, sa gitna ng masisidhing kaluguran!+  Ang tindig mong ito ay kahalintulad ng puno ng palma,+ at ang iyong mga suso,+ ng mga kumpol ng datiles.  Sinabi ko, ‘Aakyat ako sa puno ng palma, upang mahawakan ko ang mga buwig ng datiles nito.’+ At, pakisuyo, ang iyong mga suso nawa ay maging gaya ng mga kumpol sa punong ubas, at ang bango ng iyong ilong ay maging gaya ng mga mansanas,  at ang iyong ngalangala ay maging gaya ng pinakamainam na alak+ na humahagod nang suwabe+ para sa mahal ko, na banayad na dumadaloy sa mga labi ng mga natutulog.” 10  “Ako ay sa mahal ko,+ at ako ang kaniyang hinahangad.+ 11  Halika, O mahal ko, pumaroon tayo sa parang;+ manuluyan tayo sa gitna ng mga halamang henna.+ 12  Bumangon tayo nang maaga at magpunta sa mga ubasan, upang makita natin kung ang punong ubas ay sumibol na,+ kung ang bulaklak ay bumuka na,+ kung ang mga puno ng granada ay namulaklak na.+ Doon ko ibibigay sa iyo ang aking mga kapahayagan ng pagmamahal.+ 13  Ang mga mandragoras+ ay nagbibigay na ng kanilang bango, at sa tabi ng ating mga pasukang-daan ay naroon ang lahat ng uri ng pinakapiling mga bunga.+ Ang bago at gayundin ang luma, O mahal ko, ay pinakaiingatan ko para sa iyo.

Talababa