Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit ni Solomon 5:1-16

5  “Pumasok na ako sa aking hardin,+ O kapatid ko,+ kasintahan kong babae.+ Nanguha na ako ng aking mira+ kasama ng aking espesya. Kinain ko na ang aking bahay-pukyutan kasama ng aking pulot-pukyutan;+ ininom ko na ang aking alak kasama ng aking gatas.” “Kumain kayo, O mga kaibigan! Uminom kayo at malasing sa mga kapahayagan ng pagmamahal!”+  “Ako ay natutulog, ngunit ang aking puso ay gising.+ Hayun ang tinig ng mahal ko na kumakatok!”+ “Pagbuksan mo ako,+ O kapatid ko, kaibigan kong babae, kalapati ko, ang aking isa na walang kapintasan!+ Sapagkat basa ng hamog ang aking ulo, ng mga patak sa gabi+ ang mga bungkos ng aking buhok.”  “ ‘Hinubad ko na ang aking mahabang damit. Paano ko pa isusuot na muli? Hinugasan ko na ang aking mga paa. Paano ko pa durumhan?’  Iniurong ng mahal ko ang kaniyang kamay mula sa butas ng pinto, at ang aking mga panloob na bahagi+ ay nabagabag sa loob ko.  Ako nga ay bumangon upang pagbuksan ang mahal ko, at tinuluan ng mira ang aking mga kamay at ng likidong mira ang aking mga daliri, sa mga butas ng trangka.  Pinagbuksan ko nga ang mahal ko, ngunit ang mahal ko ay umalis na, siya ay yumaon na. Ang akin mismong kaluluwa ay naglaho sa akin nang siya ay magsalita. Hinanap ko siya, ngunit hindi ko siya nasumpungan.+ Tinawag ko siya, ngunit hindi niya ako sinagot.  Nasumpungan ako ng mga bantay+ na lumiligid sa lunsod. Sinaktan nila ako, sinugatan nila ako. Inalis sa akin ng mga bantay sa mga pader+ ang balabal kong malapad.  “Pinanumpa+ ko kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem,+ na, kung masusumpungan ninyo ang mahal ko,+ sasabihin ninyo sa kaniya na ako ay may sakit sa pag-ibig.”+  “Paano nakahihigit ang iyong mahal kaysa sa iba pang mahal,+ O ikaw na pinakamaganda sa mga babae?+ Paano nakahihigit ang iyong mahal kaysa sa iba pang mahal, anupat pinanumpa mo kami nang ganito?”+ 10  “Ang mahal ko ay maningning at may mapulang kutis, ang namumukod-tangi sa sampung libo.+ 11  Ang kaniyang ulo ay ginto, dalisay na ginto. Ang mga bungkos ng kaniyang buhok ay mga kumpol ng datiles. Ang kaniyang buhok na itim ay gaya ng uwak. 12  Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa tabi ng mga lagusan ng tubig, na naliligo sa gatas, nakaupo sa mga gilid. 13  Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng harding taniman ng espesya,+ mga tore ng mababangong yerba. Ang kaniyang mga labi ay mga liryo, na tinutuluan ng likidong mira.+ 14  Ang kaniyang mga kamay ay mga silindrong ginto, na punô ng crisolito. Ang kaniyang tiyan ay isang laminang garing na nababalutan ng mga safiro. 15  Ang kaniyang mga binti ay mga haliging marmol na nakapatong sa may-ukit na mga tuntungang yari sa dalisay na ginto. Ang kaniyang kaanyuan ay gaya ng Lebanon, pili na gaya ng mga sedro.+ 16  Ang kaniyang ngalangala ay pagkatamis-tamis, at ang lahat ng bagay tungkol sa kaniya ay lubusang kanais-nais.+ Ito ang mahal ko, at ito ang kaibigan kong lalaki, O mga anak na babae ng Jerusalem.”

Talababa