Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit ni Solomon 2:1-17

2  “Isa akong hamak na safron+ sa baybaying kapatagan,+ isang liryo sa mabababang kapatagan.”+  “Tulad ng isang liryo sa gitna ng matitinik na panirang-damo, gayon ang kaibigan kong babae sa gitna ng mga anak na babae.”+  “Tulad ng puno ng mansanas+ sa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan, gayon ang mahal ko sa gitna ng mga anak na lalaki.+ Ang kaniyang lilim ay marubdob kong ninanasa, at doon ako umuupo, at ang kaniyang bunga ay matamis sa aking ngalangala.  Dinala niya ako sa bahay ng alak,+ at ang kaniyang watawat+ sa ibabaw ko ay pag-ibig.+  Paginhawahin ninyo ako sa mga kakaning pasas,+ palakasin ninyo ako sa mga mansanas; sapagkat ako ay may sakit sa pag-ibig.+  Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo; at ang kaniyang kanang kamay—nakayakap ito sa akin.+  Pinanumpa+ ko kayo, O mga anak na babae ng Jerusalem, sa harap ng mga babaing gasela+ o sa harap ng mga babaing usa+ sa parang, na hindi ninyo tatangkaing gisingin o pukawin sa akin ang pag-ibig hanggang sa naisin nito.+  “Ang tinig ng mahal ko!+ Narito! Ang isang ito ay dumarating,+ umaakyat sa mga bundok, lumulukso sa mga burol.  Ang mahal ko ay kahalintulad ng isang gasela+ o ng batang lalaking usa. Narito! Ang isang ito ay nakatayo sa likuran ng aming pader, nagmamasid mula sa mga bintana, tumatanaw mula sa pagitan ng mga sala-sala.+ 10  Ang mahal ko ay sumagot at nagsabi sa akin, ‘Bumangon ka, ikaw na kaibigan kong babae, ang maganda ko,+ at tayo na.+ 11  Sapagkat, narito! ang tag-ulan+ ay nakaraan na, ang ulan ay tumigil na, yumaon na ito. 12  Ang mga bulaklak ay lumitaw na sa lupain,+ ang mismong panahon ng pagtatabas sa punong ubas+ ay dumating na, at ang tinig ng batu-bato+ ay naririnig na sa ating lupain. 13  Kung tungkol sa puno ng igos,+ iyon ay nagkulay-hinog na dahil sa mga unang igos+ nito; at ang mga punong ubas ay namumulaklak, nagbibigay na sila ng kanilang bango. Bumangon ka, halika, O kaibigan kong babae,+ ang maganda ko, at tayo na. 14  O kalapati+ ko na nasa mga puwang ng malaking bato, sa kubling dako ng matarik na daan, ipakita mo sa akin ang iyong anyo,+ iparinig mo sa akin ang iyong tinig, sapagkat ang iyong tinig ay kalugud-lugod at ang iyong anyo ay kahali-halina.’ ”+ 15  “Hulihin ninyo ang mga sorra+ para sa amin, ang maliliit na sorra na naninira ng mga ubasan, sapagkat ang aming mga ubasan ay namumulaklak.”+ 16  “Ang mahal ko ay akin at ako ay kaniya.+ Siya ay nagpapastol+ sa gitna ng mga liryo.+ 17  Hanggang sa humihip ang araw at tumakas ang mga anino, bumalik ka, O mahal ko; maging gaya ka ng gasela+ o ng batang lalaking usa sa ibabaw ng mga bundok ng paghihiwalay.

Talababa