Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Awit ni Solomon 1:1-17

1  Ang kagaling-galingang awit,+ na kay Solomon:+  “Halikan niya nawa ako ng mga halik ng kaniyang bibig,+ sapagkat ang iyong mga kapahayagan ng pagmamahal ay mas mabuti kaysa sa alak.+  Ang bango ng iyong mga langis+ ay mabuti. Gaya ng langis na ibinubuhos ang iyong pangalan.+ Kaya naman iniibig ka ng mga dalaga.  Isama mo ako sa iyo;+ tumakbo tayo. Ipinasok ako ng hari sa kaniyang mga loobang silid!+ Magalak tayo at magsaya sa iyo. Banggitin natin ang iyong mga kapahayagan ng pagmamahal nang higit kaysa sa alak.+ Marapat lamang na ibigin ka nila.+  “Babae akong maitim, ngunit kahali-halina, O kayong mga anak na babae ng Jerusalem,+ gaya ng mga tolda ng Kedar,+ gayunma’y gaya ng mga telang pantolda+ ni Solomon.  Huwag ninyo akong tingnan dahil ako ay may kaitiman, sapagkat nasilayan ako ng araw. Ang mga anak na lalaki ng aking ina ay nagalit sa akin; inatasan nila ako bilang tagapag-alaga ng mga ubasan, bagaman ang ubasan ko,+ ang sa akin, ay hindi ko inalagaan.  “Sabihin mo sa akin, O ikaw na iniibig+ ng aking kaluluwa, kung saan ka nagpapastol,+ kung saan mo pinahihiga ang kawan sa katanghaliang tapat. Bakit nga ba ako magiging gaya ng babaing nababalot sa pagdadalamhati sa gitna ng mga kawan ng iyong mga kasamahan?”  “Kung hindi mo alam sa ganang iyo, O ikaw na pinakamaganda sa mga babae,+ lumabas ka at sundan ang mga bakas ng mga paa ng kawan at pastulan mo ang mga anak ng iyong mga kambing sa tabi ng mga tabernakulo ng mga pastol.”  “Sa aking kabayong babae na nasa mga karo ni Paraon ay itinulad kita,+ O kaibigan kong babae.+ 10  Ang iyong mga pisngi ay magaganda sa siping ng mga tirintas ng buhok, ang iyong leeg sa kuwintas na mga abaloryo.+ 11  Gagawa kami ng pabilog na mga hiyas na ginto para sa iyo,+ na may kasamang pilak na mga buton.” 12  “Hangga’t ang hari ay nasa kaniyang mesang bilog ay ibibigay ng aking nardo+ ang bango nito.+ 13  Sa akin ay gaya ng isang supot ng mira+ ang mahal ko; sa pagitan ng aking mga suso+ ay magpapalipas siya ng gabi. 14  Sa akin ay gaya ng isang kumpol ng henna+ ang mahal ko, sa gitna ng mga ubasan ng En-gedi.”+ 15  “Narito! Maganda ka, O kaibigan kong babae.+ Narito! Maganda ka. Ang iyong mga mata ay gaya niyaong sa mga kalapati.”+ 16  “Narito! Maganda ka,+ mahal ko, kaiga-igaya rin. Ang ating kama+ rin ay yaong yari sa mga dahon. 17  Ang mga biga ng ating malaking bahay ay mga sedro,+ ang ating mga tahilan ay mga puno ng enebro.

Talababa