Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Apocalipsis 4:1-11

4  Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko, at, narito! isang bukás na pinto sa langit, at ang unang tinig na aking narinig ay gaya ng sa trumpeta,+ na nagsasalita sa akin, na nagsasabi: “Umakyat ka rito,+ at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat maganap.”+  Pagkatapos ng mga bagay na ito ay kaagad akong napasakapangyarihan ng espiritu: at, narito! isang trono+ ang nasa kinalalagyan nito sa langit,+ at may isang nakaupo sa trono.+  At ang nakaupo, sa kaanyuan,+ ay tulad ng batong jaspe+ at ng mahalagang kulay-pulang bato, at sa palibot ng trono ay may isang bahagharing+ tulad ng esmeralda+ ang kaanyuan.  At sa palibot ng trono ay may dalawampu’t apat na trono, at sa mga tronong ito+ ay nakita kong nakaupo ang dalawampu’t apat+ na matatanda+ na nadaramtan ng mapuputing panlabas na kasuutan,+ at sa kanilang mga ulo ay may mga ginintuang korona.+  At mula sa trono ay may lumalabas na mga kidlat+ at mga tinig at mga kulog;+ at may pitong lampara+ ng apoy na nagniningas sa harap ng trono, at ang mga ito ay nangangahulugang pitong espiritu+ ng Diyos.  At sa harap ng trono ay may gaya ng isang malasalaming dagat+ na tulad ng kristal. At sa gitna ng trono at sa palibot ng trono ay may apat na nilalang na buháy+ na punô ng mga mata sa harap at sa likuran.  At ang unang nilalang na buháy ay tulad ng leon,+ at ang ikalawang nilalang na buháy ay tulad ng guyang toro,+ at ang ikatlong nilalang na buháy+ ay may mukhang tulad ng sa tao, at ang ikaapat na nilalang na buháy+ ay tulad ng lumilipad na agila.+  At kung tungkol sa apat na nilalang na buháy,+ ang bawat isa sa kanila ay may tig-aanim na pakpak;+ sa palibot at sa ilalim ay punô sila ng mga mata.+ At wala silang pahinga araw at gabi habang kanilang sinasabi: “Banal, banal, banal ang Diyos na Jehova,+ ang Makapangyarihan-sa-lahat,+ ang nakaraan at ang ngayon+ at ang darating.”  At kailanma’t ang mga nilalang na buháy ay naghahandog ng kaluwalhatian at karangalan at pasasalamat+ sa Isa na nakaupo sa trono,+ ang Isa na nabubuhay magpakailan-kailanman,+ 10  ang dalawampu’t apat na matatanda+ ay sumusubsob sa harap ng Isa na nakaupo sa trono at sumasamba+ sa Isa na nabubuhay magpakailan-kailanman, at inihahagis nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, na sinasabi: 11  “Ikaw ang karapat-dapat, Jehova, na Diyos nga namin, na tumanggap ng kaluwalhatian+ at ng karangalan+ at ng kapangyarihan,+ sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay,+ at dahil sa iyong kalooban+ ay umiral sila at nalalang.”+

Talababa