Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Apocalipsis 16:1-21

16  At narinig ko ang isang malakas na tinig+ mula sa santuwaryo na nagsabi sa pitong anghel: “Humayo kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng galit+ ng Diyos.”  At humayo ang una+ at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa.+ At nagkaroon ng masakit at malubhang sugat+ ang mga tao na may marka ng mabangis na hayop+ at sumasamba sa larawan nito.+  At ibinuhos ng ikalawa+ ang kaniyang mangkok sa dagat.+ At ito ay naging dugo+ na gaya ng sa taong patay, at ang bawat buháy na kaluluwa ay namatay, oo, ang mga bagay na nasa dagat.+  At ibinuhos ng ikatlo+ ang kaniyang mangkok sa mga ilog+ at sa mga bukal ng mga tubig. At naging dugo ang mga iyon.+  At narinig ko ang anghel sa mga tubig na nagsabi: “Ikaw, ang Isa na ngayon at ang nakaraan,+ ang Isa na matapat,+ ay matuwid, sapagkat iginawad mo ang mga pasiyang ito,+  sapagkat ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta,+ at binigyan mo sila ng dugo+ upang inumin. Nararapat iyon sa kanila.”+  At narinig kong sinabi ng altar: “Oo, Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat,+ totoo at matuwid ang iyong mga hudisyal na pasiya.”+  At ibinuhos ng ikaapat+ ang kaniyang mangkok sa araw; at ipinagkaloob sa araw na pasuin+ ng apoy ang mga tao.  At napaso ang mga tao sa matinding init, ngunit namusong sila sa pangalan+ ng Diyos, na siyang may awtoridad+ sa mga salot na ito, at hindi sila nagsisi upang magbigay ng kaluwalhatian+ sa kaniya. 10  At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa trono ng mabangis na hayop.+ At nagdilim ang kaharian nito,+ at pinasimulan nilang ngatngatin ang kanilang mga dila dahil sa kanilang kirot, 11  ngunit namusong+ sila sa Diyos ng langit dahil sa kanilang mga kirot at dahil sa kanilang mga sugat, at hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga gawa. 12  At ibinuhos ng ikaanim+ ang kaniyang mangkok sa malaking ilog ng Eufrates,+ at ang tubig nito ay natuyo,+ upang maihanda ang daan para sa mga haring+ mula sa sikatan ng araw. 13  At nakakita ako ng tatlong maruruming kinasihang kapahayagan+ na tulad ng mga palaka+ na lumalabas sa bibig ng dragon+ at sa bibig ng mabangis na hayop+ at sa bibig ng bulaang propeta.+ 14  Sa katunayan, sila ay mga kapahayagang kinasihan+ ng mga demonyo at nagsasagawa ng mga tanda,+ at pumaparoon sila sa mga hari+ ng buong tinatahanang lupa,+ upang tipunin sila sa digmaan+ ng dakilang araw+ ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.+ 15  “Narito! Ako ay dumarating na gaya ng isang magnanakaw.+ Maligaya ang nananatiling gising+ at nag-iingat ng kaniyang mga panlabas na kasuutan, upang hindi siya maglakad nang hubad at makita ng mga tao ang kaniyang kahihiyan.”+ 16  At kanilang tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Har-Magedon.+ 17  At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin.+ Dahil dito ay isang malakas na tinig+ ang lumabas sa santuwaryo mula sa trono, na nagsasabi: “Naganap na!” 18  At nagkaroon ng mga kidlat at mga tinig at mga kulog, at nagkaroon ng isang malakas na lindol+ na ang gaya nito ay hindi pa nangyayari buhat nang umiral ang tao sa lupa,+ napakalawak na lindol,+ napakalakas. 19  At ang dakilang lunsod+ ay nahati sa tatlong bahagi, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak; at ang Babilonyang Dakila+ ay naalaala sa paningin ng Diyos, upang ibigay sa kaniya ang kopa ng alak ng galit ng kaniyang poot.+ 20  Gayundin, ang bawat pulo ay tumakas, at ang mga bundok ay hindi nasumpungan.+ 21  At makapal na graniso+ na ang bawat bato ay mga kasimbigat ng isang talento ang bumagsak sa mga tao mula sa langit, at namusong+ sa Diyos ang mga tao dahil sa salot ng graniso,+ sapagkat ang salot nito ay lubhang matindi.

Talababa