Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Amos 8:1-14

8  Ito ang ipinakita sa akin ng Soberanong Panginoong Jehova, at, narito! may isang basket ng bungang pantag-araw.+  Pagkatapos ay sinabi niya: “Ano ang nakikita mo,+ Amos?” Kaya sinabi ko: “Isang basket ng bungang pantag-araw.”+ At sinabi ni Jehova sa akin: “Ang kawakasan ay dumating na sa aking bayang Israel.+ Hindi ko na sila pagpapaumanhinan pa.+  ‘At ang mga awit sa templo ay magiging pagpapalahaw sa araw na iyon,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova. ‘Magkakaroon ng maraming bangkay.+ Sa bawat dako ay tiyak na itatapon ng isa ang mga iyon—katahimikan!’  “Dinggin ninyo ito, kayong mga nananakmal sa dukha,+ upang paglahuin ang maaamo sa lupa,+  na sinasabi, ‘Hanggang kailan pa bago makaraan ang bagong buwan+ at makapagtinda tayo ng mga binutil?+ Gayundin, ang sabbath,+ at makapag-alok tayo ng butil upang mabili; upang paliitin ang epa+ at palakihin ang siklo at gawing madaya ang timbangang mapanlinlang;+  upang bilhin ang mga taong maralita kapalit lamang ng pilak at ang dukha kapalit ng halaga ng isang pares ng sandalyas, at upang makapagtinda tayo ng pinagbistayan ng butil?’+  “Si Jehova ay sumumpa sa pamamagitan ng Kadakilaan ng Jacob,+ ‘Hindi ko kailanman kalilimutan ang lahat ng kanilang mga gawa.+  Hindi ba dahil dito kaya maliligalig ang lupain,+ at ang bawat tumatahan doon ay magdadalamhati;+ at iyon, ang lahat ng naroon, ay tiyak na sasampang gaya ng Nilo at aalimbukay at lulubog na gaya ng Nilo ng Ehipto?’+  “ ‘At mangyayari sa araw na iyon,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘na palulubugin ko ang araw sa tanghaling tapat,+ at magpapasapit ako ng kadiliman sa lupain sa isang araw na maliwanag. 10  At gagawin kong pagdadalamhati+ ang inyong mga kapistahan at panambitan ang lahat ng inyong mga awit, at maglalagay ako ng telang-sako sa lahat ng mga balakang at ng pagkakalbo sa bawat ulo;+ at ang kalagayan ay gagawin kong tulad ng pagdadalamhati para sa kaisa-isang anak,+ at ang kawakasan niyaon gaya ng isang araw na mapait.’ 11  “ ‘Narito! Dumarating ang mga araw,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘at magpapasapit ako ng taggutom sa lupain, ng taggutom, hindi sa tinapay, at ng pagkauhaw, hindi sa tubig, kundi sa pagkarinig sa mga salita ni Jehova.+ 12  At sila ay tiyak na magpapasuray-suray sa dagat at dagat, at mula sa hilaga hanggang sa sikatan ng araw. Patuloy silang magpaparoo’t parito sa paghahanap sa salita ni Jehova, ngunit hindi nila iyon masusumpungan.+ 13  Sa araw na iyon ay hihimatayin ang magagandang dalaga, gayundin ang mga binata, dahil sa pagkauhaw;+ 14  yaong mga sumusumpa sa pamamagitan ng pagkakasala ng Samaria,+ at nagsasabi nga: “Buháy ang iyong diyos, O Dan!”+ at, “Buháy ang daan ng Beer-sheba!”+ At tiyak na mabubuwal sila, at hindi na sila babangon pa.’ ”+

Talababa