Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Amos 7:1-17

7  Ito ang ipinakita sa akin ng Soberanong Panginoong Jehova, at, narito! bumubuo siya ng isang kulupon ng balang sa pasimula ng pagdating ng huling paghahasik.+ At, narito! iyon ang huling paghahasik pagkatapos ng tinabas na damo para sa hari.  At nangyari nga, nang matapos na nitong ubusin ang pananim sa lupain, sinabi ko: “O Soberanong Panginoong Jehova, magpatawad ka, pakisuyo.+ Sino ang titindig mula sa Jacob? Sapagkat siya ay maliit!”+  Ikinalungkot ito ni Jehova.+ “Hindi iyon mangyayari,” ang sabi ni Jehova.  Ito ang ipinakita sa akin ng Soberanong Panginoong Jehova, at, narito! ang Soberanong Panginoong Jehova ay tumatawag ng pakikipagtalo sa pamamagitan ng apoy;+ at nilamon nito ang malawak na matubig na kalaliman at nilamon ang lupain.  At sinabi ko: “O Soberanong Panginoong Jehova, magpigil ka, pakisuyo.+ Sino ang titindig mula sa Jacob? Sapagkat siya ay maliit!”+  Ikinalungkot ito ni Jehova.+ “Iyan din ay hindi mangyayari,” ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.  Ito ang ipinakita niya sa akin, at, narito! si Jehova ay nakatayo sa isang pader na ginawa sa pamamagitan ng isang hulog,+ at may isang hulog sa kaniyang kamay.  Sa gayon ay sinabi ni Jehova sa akin: “Ano ang nakikita mo, Amos?” Kaya sinabi ko: “Isang hulog.” At sinabi pa ni Jehova: “Narito, maglalagay ako ng isang hulog sa gitna ng aking bayang Israel.+ Hindi ko na iyon pagpapaumanhinan pa.+  At ang matataas na dako ni Isaac+ ay tiyak na matitiwangwang, at ang mga santuwaryo+ ng Israel ay mawawasak;+ at ako ay titindig laban sa sambahayan ni Jeroboam taglay ang isang tabak.”+ 10  At si Amazias na saserdote ng Bethel+ ay nagsugo kay Jeroboam+ na hari ng Israel, na sinasabi: “Si Amos ay nakipagsabuwatan laban sa iyo sa loob mismo ng sambahayan ng Israel.+ Hindi matiis ng lupain ang lahat ng kaniyang mga salita.+ 11  Sapagkat ito ang sinabi ni Amos, ‘Sa pamamagitan ng tabak ay mamamatay si Jeroboam; at kung tungkol sa Israel, iyon ay walang pagsalang yayaon sa pagkatapon mula sa sarili nitong lupa.’ ”+ 12  At sinabi ni Amazias kay Amos: “O tagapangitain,+ yumaon ka, tumakbo kang patungo sa lupain ng Juda, at doon ay kumain ka ng tinapay, at doon ay makapanghuhula ka. 13  Ngunit sa Bethel ay huwag ka nang gagawa pa ng anumang panghuhula,+ sapagkat iyon ang santuwaryo ng isang hari+ at iyon ang bahay ng isang kaharian.” 14  Sa gayon ay sumagot si Amos at nagsabi kay Amazias: “Ako noon ay hindi propeta, ni ako man ay anak ng propeta;+ kundi ako noon ay tagapag-alaga ng kawan+ at tagaputi ng mga igos ng mga puno ng sikomoro. 15  At kinuha ako ni Jehova mula sa pagsunod sa kawan, at sinabi ni Jehova sa akin, ‘Yumaon ka, manghula ka sa aking bayang Israel.’+ 16  At ngayon ay dinggin mo ang salita ni Jehova, ‘Sinasabi mo ba: “Huwag kang manghuhula laban sa Israel,+ at huwag kang magbibitiw ng salita+ laban sa sambahayan ni Isaac”? 17  Kaya ito ang sinabi ni Jehova: “Kung tungkol sa iyong asawa, sa lunsod ay magiging patutot siya.+ At kung tungkol sa iyong mga anak na lalaki at sa iyong mga anak na babae, sa pamamagitan ng tabak ay mabubuwal sila. At kung tungkol sa iyong lupa, sa pamamagitan ng lubid na panukat ay hahati-hatiin iyon. At kung tungkol naman sa iyo, sa maruming lupa ka mamamatay;+ at kung tungkol sa Israel, iyon ay walang pagsalang yayaon sa pagkatapon mula sa sarili nitong lupa.” ’ ”+

Talababa