Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Amos 6:1-14

6  “Sa aba niyaong mga panatag+ sa Sion at niyaong mga nagtitiwala sa bundok ng Samaria! Sila ang mga kilala sa pangunahing bahagi ng mga bansa, at sa kanila ay pumaroon ang sambahayan ng Israel.  Magtungo kayo sa Calne, at tingnan ninyo; at mula roon ay magpunta kayo sa mataong Hamat,+ at lumusong kayo sa Gat+ ng mga Filisteo. Mas mabuti ba ang mga iyon kaysa sa mga kahariang ito, o mas malaki ba ang kanilang teritoryo kaysa sa inyong teritoryo?+  Inaalis ba ninyo sa inyong isipan ang kapaha-pahamak na araw,+ at inilalapit ba ninyo ang tahanan ng karahasan?+  Kayong mga nakahiga sa mga higaang garing+ at nakahilata sa kanilang mga kama, at kumakain ng mga barakong tupa mula sa kawan at ng mga guyang toro mula sa mga pinatabang guya;+  na kumakatha-katha ayon sa tunog ng panugtog na de-kuwerdas;+ na tulad ni David ay gumawa para sa kanilang sarili ng mga panugtog para sa pag-awit;+  na umiinom mula sa mga mangkok ng alak,+ at sa pamamagitan ng mga pinakapiling langis+ ay ginagawa ang kanilang pagpapahid, at hindi nagkasakit dahil sa kasakunaan ng Jose.+  “Kaya ngayon ay yayaon sila sa pagkatapon sa unahan niyaong mga yumayaon sa pagkatapon,+ at ang walang-taros na pagsasaya niyaong mga nakahilata ay maglalaho.  “ ‘Ang Soberanong Panginoong Jehova ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluluwa,’+ ang sabi ni Jehova na Diyos ng mga hukbo, ‘ “Ako ay nasusuklam sa pagmamapuri ng Jacob,+ at ang kaniyang mga tirahang tore ay kinapopootan ko,+ at ibibigay ko ang lunsod at ang lahat ng naroroon.+  At mangyayari nga na kung sampung lalaki ang matira sa isang bahay, sila rin ay mamamatay.+ 10  At bubuhatin silang isa-isa ng kapatid na lalaki ng kaniyang ama, at susunugin silang isa-isa, upang mailabas ang mga buto mula sa bahay.+ At sasabihin niya sa sinumang nasa mga kaloob-loobang bahagi ng bahay, ‘May kasama ka pa ba?’ At tiyak na sasabihin niya, ‘Wala na!’ At sasabihin niya, ‘Tumahimik ka! Sapagkat hindi ito ang pagkakataon upang banggitin ang pangalan ni Jehova.’ ”+ 11  “ ‘Sapagkat narito, nag-uutos si Jehova,+ at tiyak na pababagsakin niya ang malaking bahay upang maging kaguhuan at ang maliit na bahay upang maging pira-pirasong labí.+ 12  “ ‘Sa ibabaw ba ng malaking bato ay tatakbo ang mga kabayo, o mag-aararo ba roon ang isa sa pamamagitan ng mga baka? Sapagkat ginawa ninyong nakalalasong halaman ang katarungan,+ at ahenho ang bunga ng katuwiran, 13  kayo na nagsasaya sa isang bagay na wala;+ na nagsasabi: “Hindi ba sa aming lakas ay kumuha kami ng mga sungay para sa aming sarili?”+ 14  Narito! Ibabangon ko laban sa inyo, O sambahayan ng Israel,’ ang sabi ni Jehova na Diyos ng mga hukbo, ‘ang isang bansa,+ at sisiilin nila kayo mula sa pagpasok sa Hamat+ hanggang sa agusang libis ng Araba.’ ”

Talababa