Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Amos 4:1-13

4  “Dinggin ninyo ang salitang ito, kayong mga baka ng Basan,+ na nasa bundok ng Samaria,+ na nandaraya sa mga maralita,+ na naniniil sa mga dukha, na nagsasabi sa kanilang mga panginoon, ‘Magdala kayo, at uminom tayo!’  Ang Soberanong Panginoong Jehova ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang kabanalan,+ ‘ “Narito! Dumarating sa inyo ang mga araw, at tiyak na ibibitin niya kayo sa pamamagitan ng mga pangawit ng matadero at ang huling bahagi naman ninyo sa pamamagitan ng mga kawil.+  At sa mga butas ay lalabas kayo,+ bawat isa ay deretso sa unahan; at tiyak na itatapon kayo sa Harmon,” ang sabi ni Jehova.’  “ ‘Pumaroon kayo sa Bethel at kayo ay sumalansang.+ Sa Gilgal ay dalasan ninyo ang pagsalansang,+ at dalhin ninyo ang inyong mga hain sa umaga; sa ikatlong araw, ang inyong mga ikasampung bahagi.+  At mula sa bagay na may lebadura ay magpausok kayo ng haing pasasalamat,+ at magtanyag kayo ng mga kusang-loob na handog;+ ipahayag ninyo iyon, sapagkat gayon ang ibig ninyo, O mga anak ni Israel,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.  “ ‘At ako rin, sa ganang akin, ay nagbigay sa inyo ng kalinisan ng mga ngipin+ sa lahat ng inyong mga lunsod at ng kakapusan sa tinapay sa lahat ng inyong mga dako;+ ngunit hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.  “ ‘At tungkol naman sa akin, ipinagkait ko rin sa inyo ang ulan gayong tatlong buwan pa bago ang pag-aani;+ at nagpaulan ako sa isang lunsod, ngunit sa isa pang lunsod ay hindi ako nagpapaulan. May isang lupain na inuulanan, ngunit ang lupain na hindi ko pinauulanan ay natutuyo.+  At dalawa o tatlong lunsod ang sumuray-suray patungo sa isang lunsod upang uminom ng tubig,+ at hindi sila nasisiyahan; ngunit hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.  “ ‘Sinaktan ko kayo ng pagkatuyot at amag.+ May pagpaparami ng inyong mga hardin at ng inyong mga ubasan, ngunit ang inyong mga puno ng igos at ang inyong mga punong olibo ay nilalamon ng higad;+ gayunma’y hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova. 10  “ ‘Nagpasapit ako sa inyo ng salot na kauri niyaong sa Ehipto.+ Sa pamamagitan ng tabak ay pinatay ko ang inyong mga kabataang lalaki,+ kasama ng pagbihag sa inyong mga kabayo.+ At patuloy kong pinailanlang sa mga butas ng inyong ilong ang baho ng inyong mga kampo;+ ngunit hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova. 11  “ ‘Nagpasapit ako ng pagkagiba sa gitna ninyo, tulad ng paggiba ng Diyos sa Sodoma at Gomorra.+ At kayo ay naging gaya ng isang kahoy na inagaw sa pagkasunog;+ ngunit hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova. 12  “Kaya iyan ang gagawin ko sa iyo, O Israel. Sa dahilang gagawin ko sa iyo ang bagay na ito, humanda kang harapin ang iyong Diyos,+ O Israel. 13  Sapagkat, narito! ang Tagapag-anyo ng mga bundok+ at ang Maylalang ng hangin,+ at ang Isa na nagsasabi sa makalupang tao kung ano ang nasa kaniyang isipan,+ ang Isa na nagpapangyaring maging dilim+ ang bukang-liwayway, at ang Isa na yumayapak sa matataas na dako sa lupa,+ Jehova na Diyos ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.”+

Talababa