Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Amos 3:1-15

3  “Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ni Jehova may kinalaman sa inyo,+ O mga anak ni Israel, may kinalaman sa buong pamilya na iniahon ko mula sa lupain ng Ehipto,+ na sinasabi,  ‘Kayo lamang ang kinilala ko+ sa lahat ng mga pamilya sa lupa.+ Kaya naman hihingi ako ng pagsusulit laban sa inyo dahil sa lahat ng inyong mga kamalian.+  “ ‘Magkasama bang lalakad ang dalawa malibang nagtagpo sila ayon sa pinagkasunduan?+  Uungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang nasila?+ Ilalakas ba ng may-kilíng na batang leon ang kaniyang tinig mula sa kaniyang taguang dako kung wala siyang anumang nahuli?  Mahuhulog ba ang ibon sa bitag na nasa lupa kung walang silo para rito?+ Umiigkas ba ang bitag mula sa lupa kung wala naman itong nahuli?  Kapag ang tambuli ay hinihipan sa isang lunsod, hindi ba nanginginig din ang bayan?+ Kapag may kapahamakang sumapit sa lunsod, hindi ba si Jehova rin ang siyang kumilos?  Sapagkat ang Soberanong Panginoong Jehova ay hindi gagawa ng anumang bagay malibang naisiwalat na niya ang kaniyang lihim na bagay sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.+  Isang leon ang umungal!+ Sino ang hindi matatakot? Ang Soberanong Panginoong Jehova mismo ay nagsalita! Sino ang hindi manghuhula?’+  “ ‘Ipahayag ninyo iyon sa mga tirahang tore sa Asdod at sa mga tirahang tore sa lupain ng Ehipto,+ at sabihin ninyo: “Matipon kayo laban sa mga bundok ng Samaria,+ at tingnan ninyo ang maraming kaguluhan sa gitna niya at ang mga pandaraya sa loob niya.+ 10  At hindi sila natutong gumawa ng matuwid,”+ ang sabi ni Jehova, “yaong mga nag-iimbak ng karahasan+ at pananamsam sa kanilang mga tirahang tore.” ’ 11  “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘May isang kalaban sa palibot ng lupain,+ at tiyak na ibabagsak niya ang iyong lakas mula sa iyo, at ang iyong mga tirahang tore ay talagang darambungin.’+ 12  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Kung paanong inaagaw ng pastol mula sa bibig ng leon ang dalawang binti o isang piraso ng tainga,+ gayon aagawin ang mga anak ni Israel, silang mga nakaupo sa Samaria sa marangyang higaan+ at sa kama+ ng taga-Damasco.’ 13  “ ‘Dinggin ninyo at magpatotoo+ kayo sa sambahayan ni Jacob,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, na Diyos ng mga hukbo. 14  ‘Sapagkat, sa araw ng paghingi ko ng pagsusulit+ dahil sa mga pagsalansang ng Israel laban sa kaniya, hihingi rin ako ng pagsusulit laban sa mga altar ng Bethel;+ at ang mga sungay ng altar ay puputulin at malalaglag sa lupa.+ 15  At pababagsakin ko ang bahay na pantaglamig+ bukod pa sa bahay na pantag-araw.’+ “ ‘At ang mga bahay na garing ay maglalaho,+ at maraming bahay ang sasapit sa kawakasan nito,’+ ang sabi ni Jehova.”

Talababa