Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

Amos 1:1-15

1  Ang mga salita ni Amos, na nakasama ng mga tagapag-alaga ng tupa mula sa Tekoa,+ na nakita niya sa pangitain may kinalaman sa Israel+ noong mga araw ni Uzias+ na hari ng Juda at noong mga araw ni Jeroboam+ na anak ni Joas,+ na hari ng Israel, dalawang taon bago ang lindol.+  At sinabi niya: “Si Jehova—mula sa Sion ay uungal siya,+ at mula sa Jerusalem ay ilalakas niya ang kaniyang tinig;+ at ang mga pastulan ng mga pastol ay magdadalamhati, at ang pinakataluktok ng Carmel ay matutuyo.”+  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘ “Dahil sa tatlong pagsalansang ng Damasco,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong, dahil sa paggiik nila sa Gilead+ sa pamamagitan nga ng mga kasangkapang panggiik na bakal.  At magsusugo ako ng apoy+ sa bahay ni Hazael,+ at lalamunin nito ang mga tirahang tore ni Ben-hadad.+  At babaliin ko ang halang ng Damasco+ at lilipulin ko ang tumatahan mula sa Bikat-aven, at ang may-hawak ng setro mula sa Bet-eden; at ang bayan ng Sirya ay paroroon sa Kir bilang mga tapon,”+ ang sabi ni Jehova.’  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘ “Dahil sa tatlong pagsalansang ng Gaza,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong, dahil dinala nila sa pagkatapon ang isang buong kalipunan ng mga tapon+ upang ibigay sa Edom.+  At magsusugo ako ng apoy sa pader ng Gaza,+ at lalamunin nito ang kaniyang mga tirahang tore.  At lilipulin ko ang tumatahan mula sa Asdod,+ at ang may-hawak ng setro mula sa Askelon;+ at ibabaling ko ang aking kamay+ laban sa Ekron,+ at ang mga nalalabi sa mga Filisteo ay masasawi,”+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.’  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Dahil sa tatlong pagsalansang ng Tiro,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong, dahil ibinigay nila sa Edom ang isang buong kalipunan ng mga tapon, at sapagkat hindi nila inalaala ang tipan ng pagkakapatiran.+ 10  At magsusugo ako ng apoy sa pader ng Tiro, at lalamunin nito ang kaniyang mga tirahang tore.’+ 11  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Dahil sa tatlong pagsalansang ng Edom,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong, dahil tinugis niya ng tabak ang kaniyang sariling kapatid,+ at sapagkat sinira niya ang kaniyang pagiging maawain,+ at ang kaniyang galit ay patuloy na nanlalapa magpakailanman; at ang kaniyang poot—pinanatili niya ito nang walang hanggan.+ 12  At magsusugo ako ng apoy sa Teman,+ at lalamunin nito ang mga tirahang tore ng Bozra.’+ 13  “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘ “Dahil sa tatlong pagsalansang ng mga anak ni Ammon,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,+ dahil nilaslas nila ang mga babaing nagdadalang-tao sa Gilead, sa layuning palawakin ang kanilang sariling teritoryo.+ 14  At sisilaban ko sa apoy ang pader ng Raba,+ at lalamunin nito ang kaniyang mga tirahang tore, na may babalang hudyat sa araw ng pagbabaka, na may unos sa araw ng bagyong hangin.+ 15  At ang kanilang hari ay yayaon sa pagkatapon, siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama,”+ ang sabi ni Jehova.’

Talababa