Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

3 Juan 1:1-14

1  Ang matandang lalaki+ kay Gayo, ang minamahal, na totoong iniibig ko.+  Minamahal,+ idinadalangin ko na sa lahat ng mga bagay ay sumagana ka+ at magkaroon ng mabuting kalusugan,+ kung paanong ang iyong kaluluwa ay sumasagana.+  Sapagkat labis akong nagsaya nang ang mga kapatid ay dumating at magpatotoo sa katotohanan na iyong taglay, kung paanong patuloy kang lumalakad sa katotohanan.+  Wala na akong mas dakilang dahilan sa pagpapasalamat kaysa sa mga bagay na ito, na marinig ko na ang aking mga anak ay patuloy na lumalakad sa katotohanan.+  Minamahal, ginagawa mo ang isang tapat na gawa sa anumang iyong ginagawa para sa mga kapatid,+ at sa ibang mga tao pa man din,+  na nagpatotoo sa iyong pag-ibig sa harap ng kongregasyon. Ang mga ito ay malugod mong payaunin sa paraang karapat-dapat sa Diyos.+  Sapagkat alang-alang sa kaniyang pangalan kung kaya sila humayo, na hindi kumukuha ng anuman+ mula sa mga tao ng mga bansa.  Tayo, kung gayon, ay may pananagutan na magiliw na tanggapin ang gayong mga tao,+ upang tayo ay maging mga kamanggagawa sa katotohanan.+  Ako ay may isinulat sa kongregasyon, ngunit si Diotrepes, na gustong magkaroon ng unang dako+ sa gitna nila, ay hindi tumatanggap ng anuman+ mula sa amin nang may paggalang.+ 10  Kaya naman, kung ako ay paririyan, uungkatin ko ang kaniyang mga gawa na patuloy niyang ginagawa,+ na nagdadadaldal tungkol sa amin ng mga salitang balakyot.+ Gayundin, hindi pa kontento sa mga bagay na ito, hindi rin naman niya tinatanggap nang may paggalang ang mga kapatid,+ at yaong mga nagnanais na tumanggap+ sa kanila ay sinisikap niyang hadlangan+ at palayasin+ sa kongregasyon. 11  Minamahal, maging tagatulad ka, hindi sa masama, kundi sa mabuti.+ Siya na gumagawa ng mabuti ay nagmumula sa Diyos.+ Siya na gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Diyos.+ 12  Si Demetrio ay pinatotohanan nilang lahat+ at ng katotohanan mismo. Sa katunayan, kami rin ay nagpapatotoo,+ at alam mo na ang patotoong ibinibigay namin ay totoo.+ 13  Marami akong mga bagay na isusulat sa iyo, gayunma’y hindi ko nais na patuloy kang sulatan sa tinta at panulat.+ 14  Kundi umaasa akong makita ka kaagad, at mag-uusap tayo nang mukhaan.+ Sumaiyo nawa ang kapayapaan.+ Ang mga kaibigan ay nagpapadala sa iyo ng kanilang mga pagbati.+ Ipaabot mo ang aking mga pagbati+ sa mga kaibigan ayon sa pangalan.

Talababa