Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Tesalonica 3:1-18

3  Sa katapus-tapusan, mga kapatid, magpatuloy kayo sa pananalangin para sa amin,+ upang ang salita ni Jehova+ ay patuloy na kumilos nang mabilis+ at luwalhatiin gaya nga ng sa inyo;  at upang kami ay mailigtas mula sa mga taong mapaminsala at balakyot,+ sapagkat ang pananampalataya ay hindi taglay ng lahat ng tao.+  Ngunit ang Panginoon ay tapat, at patatatagin niya kayo at iingatan kayo mula sa isa na balakyot.+  Bukod diyan, may pagtitiwala+ kami sa Panginoon may kinalaman sa inyo, na ginagawa ninyo at patuloy na gagawin ang mga bagay na aming iniuutos.+  Patuloy nawang matagumpay na patnubayan ng Panginoon ang inyong mga puso tungo sa pag-ibig+ sa Diyos at tungo sa pagbabata+ para sa Kristo.  Ngayon ay binibigyan namin kayo ng mga utos,+ mga kapatid, sa pangalan ng Panginoong Jesu-Kristo, na lumayo+ sa bawat kapatid na lumalakad nang walang kaayusan+ at hindi ayon sa tradisyon na inyong tinanggap mula sa amin.+  Sapagkat alam ninyo kung paano ninyo kami dapat tularan,+ sapagkat hindi kami gumawi nang walang kaayusan sa gitna ninyo+  ni kumain man kami ng pagkain mula sa sinuman nang walang bayad.+ Sa halip, sa pagtatrabaho at pagpapagal+ gabi at araw ay gumagawa kami upang hindi kami magpataw ng magastos na pasanin sa kaninuman sa inyo.+  Hindi sa wala kaming awtoridad,+ kundi upang maiharap namin ang aming sarili bilang isang halimbawa sa inyo upang kami ay tularan.+ 10  Sa katunayan, noong kami rin ay kasama ninyo, ibinibigay namin sa inyo ang utos na ito:+ “Kung ang sinuman ay ayaw magtrabaho, huwag din naman siyang pakainin.”+ 11  Sapagkat naririnig namin na may mga lumalakad nang walang kaayusan+ sa gitna ninyo, na walang anumang ginagawa kundi nanghihimasok sa mga bagay na walang kinalaman sa kanila.+ 12  Sa gayong mga tao ay ibinibigay namin ang utos at payo ng Panginoong Jesu-Kristo na sa paggawa nang may katahimikan ay dapat silang kumain ng pagkain na kanila mismong pinagpagalan.+ 13  Sa ganang inyo, mga kapatid, huwag kayong manghimagod sa paggawa ng tama.+ 14  Ngunit kung ang sinuman ay hindi masunurin sa aming salita+ sa pamamagitan ng liham na ito, panatilihin ninyong markado+ ang isang ito, huwag na kayong makisama sa kaniya,+ upang siya ay mapahiya.+ 15  Gayunma’y huwag ninyo siyang ituring na kaaway, kundi patuloy na paalalahanan+ siya bilang isang kapatid. 16  Ngayon ang Panginoon ng kapayapaan ay lagi nawang magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng paraan.+ Sumainyo nawang lahat ang Panginoon. 17  Narito ang aking pagbati, ni Pablo, sa aking sariling kamay,+ na siyang tanda sa bawat liham; ganito ang paraan ko ng pagsulat. 18  Sumainyo nawang lahat ang di-sana-nararapat na kabaitan+ ng ating Panginoong Jesu-Kristo.

Talababa