Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Samuel 14:1-33

14  At nalaman ni Joab+ na anak ni Zeruias+ na ang puso ng hari ay nakahilig kay Absalom.+  Sa gayon ay nagsugo si Joab sa Tekoa+ at kumuha roon ng isang babaing marunong+ at nagsabi sa kaniya: “Pakisuyo, magdalamhati ka, at pakisuyo, magdamit ka ng mga kasuutan ng pagdadalamhati, at huwag kang magpahid ng langis;+ at magkunwari kang isang babaing nagdadalamhati nang maraming araw dahil sa isang patay.+  At pasukin mo ang hari at salitain mo sa kaniya ang ganitong salita.” Sa gayon ay inilagay ni Joab sa kaniyang bibig ang mga salita.+  At ang babaing Tekoita ay pumaroon sa hari at isinubsob ang kaniyang mukha sa lupa+ at nagpatirapa at nagsabi: “Magligtas ka,+ O hari!”  Dahil dito ay sinabi ng hari sa kaniya: “Ano ang nangyari sa iyo?” At sinabi niya: “Totoo ngang ako ay isang babaing nabalo,+ ngayong patay na ang aking asawa.  At ang iyong alilang babae ay may dalawang anak, at silang dalawa ay nagsimulang mag-away sa parang+ habang walang tagapagligtas+ upang paghiwalayin sila. Nang dakong huli ay pinabagsak ng isa yaong isa at pinatay ito.  At narito, ang buong pamilya ay tumindig laban sa iyong alilang babae at patuloy na nagsasabi, ‘Ibigay mo ang nanakit sa kaniyang kapatid, upang patayin namin siya kapalit ng kaluluwa ng kaniyang kapatid+ na pinatay niya,+ at lilipulin nga namin ang tagapagmana!’ At tiyak na papatayin nila ang ningas ng aking mga baga na natitira, upang walang pangalan o nalabi ang maitalaga para sa aking asawa sa ibabaw ng lupa.”+  Nang magkagayon ay sinabi ng hari sa babae: “Umuwi ka sa iyong bahay, at ako mismo ay mag-uutos may kinalaman sa iyo.”+  Dahil dito ay sinabi ng babaing Tekoita sa hari: “Mapasaakin nawa, O panginoon kong hari, ang kamalian, at mapasasambahayan din ng aking ama,+ samantalang ang hari at ang kaniyang trono ay walang-sala.” 10  At sinabi pa ng hari: “Kung may sinumang magsasalita sa iyo ay dalhin mo rin siya sa akin, at hindi ka na niya muling sasaktan.” 11  Ngunit sinabi niya: “Pakisuyo, alalahanin nawa ng hari si Jehova na iyong Diyos,+ upang ang tagapaghiganti ng dugo+ ay hindi patuloy na magpahamak at upang hindi nila malipol ang aking anak.” At sinabi niya: “Buháy si Jehova,+ walang isa mang buhok+ ng iyong anak ang mahuhulog sa lupa.” 12  Sinabi ngayon ng babae: “Pakisuyo, pagsalitain nawa ang iyong alilang babae+ ng isang salita+ sa panginoon kong hari.” Sa gayon ay sinabi niya: “Magsalita ka!”+ 13  At sinabi ng babae: “Bakit ka nga nangangatuwiran nang ganito+ laban sa bayan ng Diyos?+ Habang sinasalita ng hari ang salitang ito ay katulad siya ng isa na nagkasala,+ sapagkat hindi pinababalik ng hari ang kaniyang pinalayas.+ 14  Sapagkat walang pagsalang mamamatay+ tayo at magiging gaya ng tubig na ibinubuhos sa lupa, na hindi matitipon. Ngunit ang Diyos ay hindi kukuha ng isang kaluluwa,+ at nag-iisip siya ng mga dahilan kung bakit ang pinalayas ay hindi dapat palayasin mula sa kaniya. 15  At ngayong pumasok ako upang salitain ang salitang ito sa hari na aking panginoon, ito ay sapagkat tinakot ako ng bayan. Kaya sinabi ng iyong alilang babae, ‘Pakisuyo, pagsalitain nawa ako sa hari. Marahil ay kikilos ang hari ayon sa salita ng kaniyang aliping babae. 16  Sapagkat ang hari ay nakinig upang iligtas ang kaniyang aliping babae mula sa palad ng taong naghahangad na lumipol sa akin at sa nag-iisa kong anak mula sa mana na ibinigay ng Diyos,’+ 17  kaya sinabi ng iyong alilang babae, ‘Pakisuyo, magbigay nawa ng kapahingahan ang salita ng panginoon kong hari.’ Sapagkat gaya ng isang anghel+ ng tunay na Diyos ay gayon ang panginoon kong hari, sa pagkakilala ng mabuti at ng masama,+ at sumaiyo nawa si Jehova na iyong Diyos.” 18  Ang hari ngayon ay sumagot at nagsabi sa babae: “Pakisuyo, huwag mong itago sa akin ang isa mang bagay tungkol sa itinatanong ko sa iyo.”+ Dito ay sinabi ng babae: “Pakisuyo, magsalita ang panginoon kong hari.” 19  At sinabi ng hari: “Ang kamay ba ni Joab+ ay sumasaiyo sa lahat ng ito?”+ Nang magkagayon ay sumagot ang babae at nagsabi: “Buháy ang iyong kaluluwa,+ O panginoon kong hari, walang sinumang tao ang makaliliko sa kanan o makaliliko sa kaliwa mula sa lahat ng sinalita ng panginoon kong hari; sapagkat ang iyong lingkod nga na si Joab ang nag-utos sa akin, at siya nga ang naglagay sa bibig ng iyong alilang babae ng lahat ng mga salitang ito.+ 20  Sa layuning ibahin ang anyo ng mga pangyayari ay ginawa ng iyong lingkod na si Joab ang bagay na ito, ngunit ang aking panginoon ay marunong gaya ng karunungan ng anghel+ ng tunay na Diyos upang makaalam ng lahat ng nasa lupa.” 21  Sa gayon ay sinabi ng hari kay Joab: “Narito ngayon, gagawin ko nga ang bagay na ito.+ Kaya yumaon ka, pabalikin mo ang kabataang lalaking si Absalom.”+ 22  Dahil dito ay isinubsob ni Joab ang kaniyang mukha sa lupa at nagpatirapa at pinagpala ang hari;+ at sinabi pa ni Joab: “Ngayon ay nalalaman ng iyong lingkod na nakasumpong ako ng lingap sa iyong paningin,+ O panginoon kong hari, sapagkat ang hari ay kumilos ayon sa salita ng kaniyang lingkod.” 23  Sa gayon ay tumindig si Joab at pumaroon sa Gesur+ at dinala si Absalom sa Jerusalem.+ 24  Gayunman, sinabi ng hari: “Hayaan siyang bumalik sa kaniyang sariling bahay, ngunit ang aking mukha ay hindi niya makikita.”+ Kaya bumalik si Absalom sa kaniyang sariling bahay, at ang mukha ng hari ay hindi niya nakita. 25  Kung ihahambing nga kay Absalom ay walang lalaki na gayon kaganda+ sa buong Israel anupat pinupuri nang gayon na lamang. Mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo ay walang kapintasan sa kaniya. 26  At kapag inaahitan niya ang kaniyang ulo—at nangyayari nga na sa pagwawakas ng bawat taon ay inaahitan niya iyon; dahil napakabigat+ niyaon sa kaniya, ipinaaahit niya iyon—tinitimbang niya ang buhok ng kaniyang ulo, na dalawang daang siklo ayon sa maharlikang batong panimbang. 27  At ipinanganak kay Absalom ang tatlong anak na lalaki+ at isang anak na babae na ang pangalan ay Tamar. Siya ay isang babaing pagkaganda-ganda ng anyo.+ 28  At si Absalom ay patuloy na nanahanan sa Jerusalem nang dalawang buong taon, at ang mukha ng hari ay hindi niya nakita.+ 29  Kaya ipinatawag ni Absalom si Joab upang isugo ito sa hari, at hindi ito pumayag na pumaroon sa kaniya. Nang magkagayon ay muli siyang nagsugo, sa ikalawang pagkakataon, at hindi ito pumayag na pumaroon. 30  Sa kahuli-hulihan ay sinabi niya sa kaniyang mga lingkod: “Tingnan ninyo ang lupain ni Joab na katabi ng sa akin, at doon ay mayroon siyang sebada. Pumaroon kayo at palagablabin ninyo iyon sa apoy.”+ Sa gayon ay pinalagablab sa apoy ng mga lingkod ni Absalom ang lupain.+ 31  Dahil dito ay tumindig si Joab at pumaroon kay Absalom sa bahay at sinabi sa kaniya: “Bakit pinalagablab sa apoy ng iyong mga lingkod ang aking lupain?” 32  Kaya sinabi ni Absalom kay Joab: “Narito! Nagsugo ako sa iyo, na sinasabi, ‘Pumarito ka at isusugo kita sa hari, na sinasabi: “Bakit ako pumarito mula sa Gesur?+ Mas mabuti sa akin na manatili pa ako roon. Ngayon nga ay hayaan mong makita ko ang mukha ng hari at kung may anumang kamalian sa akin+ ay patayin nga niya ako.” ’ ” 33  Kaya pumaroon si Joab sa hari at nagsabi sa kaniya. Nang magkagayon ay tinawag niya si Absalom, na pumaroon ngayon sa hari at nagpatirapa sa kaniya, na isinubsob ang kaniyang mukha sa lupa sa harap ng hari; pagkatapos ay hinalikan ng hari si Absalom.+

Talababa