Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Juan 1:1-13

1  Ang matandang lalaki+ sa piniling ginang+ at sa kaniyang mga anak, na totoong iniibig ko,+ at hindi lamang ako, kundi lahat din niyaong mga nakakilala ng katotohanan,+  dahil sa katotohanan na nananatili sa atin,+ at ito ay sasaatin magpakailanman.+  Sasaatin ang di-sana-nararapat na kabaitan,+ awa at kapayapaan mula sa Diyos na Ama+ at mula kay Jesu-Kristo na Anak ng Ama, sa katotohanan at pag-ibig.+  Ako ay labis na nagsasaya sapagkat nasumpungan ko ang ilan sa iyong mga anak+ na lumalakad sa katotohanan,+ gaya ng tinanggap nating utos mula sa Ama.+  Kaya ngayon ay hinihiling ko sa iyo, ginang, bilang isang tao na sumusulat sa iyo, hindi ang isang bagong utos,+ kundi yaong tinaglay natin buhat pa nang pasimula,+ na mag-ibigan tayo sa isa’t isa.+  At ito ang kahulugan ng pag-ibig,+ na patuloy tayong lumakad ayon sa kaniyang mga utos.+ Ito ang utos, gaya ng inyong narinig buhat pa nang pasimula, na patuloy kayong lumakad dito.+  Sapagkat maraming manlilinlang ang humayo na sa sanlibutan,+ mga taong hindi naghahayag na si Jesu-Kristo ay dumating sa laman.+ Ito ang manlilinlang+ at ang antikristo.+  Ingatan ninyo ang inyong sarili, upang huwag ninyong maiwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang matamo ninyo ang buong gantimpala.+  Ang bawat isa na nagpapauna+ at hindi nananatili+ sa turo ng Kristo ay hindi kinaroroonan ng Diyos.+ Siya na nananatili sa turong ito ang siyang kinaroroonan kapuwa ng Ama at ng Anak.+ 10  Kung may sinumang dumating sa inyo at hindi dala ang turong ito, huwag ninyo siyang tanggapin sa inyong mga tahanan+ o magsabi sa kaniya ng isang pagbati.+ 11  Sapagkat siya na nagsasabi sa kaniya ng isang pagbati ay kabahagi sa kaniyang balakyot na mga gawa.+ 12  Bagaman marami akong mga bagay na isusulat sa inyo, hindi ko nais na gawin iyon sa papel at tinta,+ kundi umaasa akong makapariyan sa inyo at makipag-usap sa inyo nang mukhaan,+ upang ang inyong kagalakan+ ay malubos.+ 13  Ang mga anak ng iyong kapatid na babae, ang pinili, ay nagpapadala sa iyo ng kanilang mga pagbati.+

Talababa