Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Hari 19:1-37

19  At nangyari nga, nang marinig iyon ni Haring Hezekias,+ kaagad niyang hinapak ang kaniyang mga kasuutan+ at nagdamit ng telang-sako+ at pumasok sa bahay ni Jehova.+  Bukod diyan, si Eliakim,+ na namamahala sa sambahayan, at si Sebnah+ na kalihim at ang matatandang lalaki ng mga saserdote ay kaniyang isinugo na nadaramtan ng telang-sako kay Isaias+ na propeta na anak ni Amoz.+  At sinabi nila sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Hezekias, ‘Ang araw na ito ay isang araw ng kabagabagan+ at ng pagsaway+ at ng walang-pakundangang panlilibak;+ sapagkat ang mga anak ay nakarating na hanggang sa bukana ng bahay-bata,+ at walang lakas na magsilang.+  Marahil ay maririnig+ ni Jehova na iyong Diyos ang lahat ng salita ni Rabsases, na isinugo ng hari ng Asirya na kaniyang panginoon upang tuyain+ ang Diyos na buháy, at kaniya ngang pagsusulitin siya dahil sa mga salita na narinig ni Jehova na iyong Diyos.+ At magpailanlang ka ng panalangin+ alang-alang sa mga nalabi+ na masusumpungan.’ ”  Kaya ang mga lingkod ni Haring Hezekias ay pumaroon kay Isaias.+  At sinabi ni Isaias sa kanila: “Ito ang dapat ninyong sabihin sa inyong panginoon, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:+ “Huwag kang matakot+ dahil sa mga salita na narinig mong sinalita nang may pang-aabuso ng mga tagapaglingkod ng hari ng Asirya tungkol sa akin.+  Narito, maglalagay ako sa kaniya ng isang espiritu,+ at siya ay makaririnig ng isang ulat+ at babalik sa kaniyang sariling lupain; at ipabubuwal ko nga siya sa pamamagitan ng tabak sa kaniyang sariling lupain.” ’ ”+  Pagkatapos ay bumalik si Rabsases+ at nasumpungan ang hari ng Asirya na nakikipagbaka laban sa Libna;+ sapagkat narinig niya na nilisan na nito ang Lakis.+  Narinig niyang sinabi may kaugnayan kay Tirhaka na hari ng Etiopia: “Narito, lumabas siya upang makipagbaka laban sa iyo.” Nang magkagayon ay muli siyang nagsugo ng mga mensahero+ kay Hezekias, na nagsasabi: 10  “Ito ang dapat ninyong sabihin kay Hezekias na hari ng Juda, ‘Huwag kang magpalinlang sa iyong Diyos na pinagtitiwalaan mo,+ na nagsasabi: “Ang Jerusalem+ ay hindi ibibigay sa kamay ng hari ng Asirya.”+ 11  Narito! Narinig mo mismo kung ano ang ginawa ng mga hari ng Asirya sa lahat ng mga lupain nang italaga sila sa pagkapuksa;+ at ikaw ba ay maliligtas?+ 12  Nailigtas ba sila ng mga diyos+ ng mga bansa na winasak ng aking mga ninuno, maging ang Gozan+ at ang Haran+ at ang Rezep at ang mga anak ng Eden+ na nasa Tel-asar?+ 13  Nasaan siya—ang hari ng Hamat+ at ang hari ng Arpad+ at ang hari ng mga lunsod ng Separvaim, Hena at Iva?’ ”+ 14  Sa gayon ay kinuha ni Hezekias ang mga liham mula sa kamay ng mga mensahero at binasa ang mga iyon,+ pagkatapos ay umahon si Hezekias sa bahay ni Jehova at inilatag iyon sa harap ni Jehova.+ 15  At si Hezekias ay nagsimulang manalangin+ sa harap ni Jehova at magsabi: “O Jehova na Diyos ng Israel,+ na nakaupo sa mga kerubin,+ ikaw lamang ang tunay na Diyos ng lahat ng kaharian+ sa lupa.+ Ikaw ang gumawa ng langit+ at ng lupa.+ 16  Ikiling mo ang iyong pandinig, O Jehova, at pakinggan mo.+ Idilat mo ang iyong mga mata,+ O Jehova, at tingnan mo, at pakinggan mo ang mga salita ni Senakerib na ipinasabi niya upang tuyain+ ang Diyos na buháy. 17  Katotohanan nga, O Jehova, winasak ng mga hari ng Asirya ang mga bansa at ang kanilang lupain.+ 18  At ang kanilang mga diyos ay inihagis nila sa apoy, sapagkat ang mga iyon ay hindi mga diyos,+ kundi gawa ng mga kamay ng tao,+ kahoy at bato; anupat sinira nila ang mga iyon. 19  At ngayon, O Jehova na aming Diyos,+ iligtas mo kami,+ pakisuyo, mula sa kaniyang kamay, upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw, O Jehova, ang tanging Diyos.”+ 20  At si Isaias na anak ni Amoz ay nagsugo kay Hezekias, na sinasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel,+ ‘Ang idinalangin+ mo sa akin may kinalaman kay Senakerib na hari ng Asirya ay narinig ko.+ 21  Ito ang salita na sinalita ni Jehova laban sa kaniya: “Hinamak ka ng anak na dalaga ng Sion,+ inalipusta ka niya.+ Sa likuran mo ay iniling ng anak na babae ng Jerusalem+ ang kaniyang ulo.+ 22  Sino ang tinuya+ mo at pinagsalitaan nang may pang-aabuso?+ At laban kanino mo inilakas ang iyong tinig+ At itinitingin mo ang iyong mga mata sa kaitaasan?+ Laban nga sa Banal ng Israel!+ 23  Sa pamamagitan ng iyong mga mensahero+ ay tinuya mo si Jehova at sinasabi mo,+ ‘Taglay ang karamihan ng aking mga karong pandigma ako mismo+ Ako nga ay aakyat sa kaitaasan ng mga bulubunduking pook,+ Sa pinakamalalayong bahagi ng Lebanon;+ At puputulin ko ang matatayog na sedro nito,+ ang mga piling puno ng enebro nito.+ At papasukin ko ang huling dakong tuluyan nito, ang kagubatan ng taniman nito.+ 24  Ako nga ay huhukay at iinom ng kakaibang tubig, At tutuyuin ko ng mga talampakan ng aking mga paa ang lahat ng kanal ng Nilo sa Ehipto.’+ 25  Hindi mo ba narinig?+ Mula noong malaon nang mga panahon ay iyon nga ang gagawin ko.+ Mula noong mga araw na nakalipas ay inanyuan ko na iyon.+ Ngayon ay pangyayarihin ko iyon.+ At ikaw ay magiging tagapagtiwangwang ng mga nakukutaang lunsod na gaya ng mga bunton ng pagkaguho.+ 26  At ang mga tumatahan sa kanila ay mawawalan ng lakas;+ Sila ay talagang masisindak at mapapahiya.+ Sila ay magiging gaya ng pananim sa parang at ng luntiang murang damo,+ Damo sa mga bubong,+ kapag may pagkasunog sa harap ng hanging silangan.+ 27  At ang iyong pag-upong tahimik at ang iyong paglabas+ at ang iyong pagpasok ay nalalaman kong lubos,+ At ang iyong pagpapakabagabag laban sa akin,+ 28  Sapagkat ang iyong pagpapakabagabag laban sa akin+ at ang iyong pag-ungal ay umabot sa aking pandinig.+ At ilalagay ko nga ang aking pangawit sa iyong ilong at ang aking renda sa pagitan ng iyong mga labi,+ At dadalhin nga kitang pabalik sa daan na iyong pinanggalingan.”+ 29  “ ‘At ito ang magiging tanda para sa iyo:+ Kakainin sa taóng ito ang sumibol mula sa mga natapong butil,+ at sa ikalawang taon ay ang butil na tumutubo sa ganang sarili; ngunit sa ikatlong taon ay maghasik kayo ng binhi+ at gumapas at magtanim kayo ng mga ubasan at kainin ninyo ang bunga ng mga iyon.+ 30  At yaong mga makatatakas na mula sa sambahayan ni Juda, yaong mga naiwan,+ ay tiyak na mag-uugat nang pababa at magluluwal ng bunga nang paitaas.+ 31  Sapagkat mula sa Jerusalem ay may nalabing yayaon,+ at yaong mga makatatakas mula sa Bundok Sion.+ Ang mismong sigasig+ ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito. 32  “ ‘Kaya naman ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman sa hari ng Asirya:+ “Hindi siya papasok sa lunsod+ na ito ni magpapahilagpos man siya roon ng palaso+ ni haharapin man iyon nang may kalasag ni magtitindig man ng muralyang pangubkob+ laban doon. 33  Sa daan na kaniyang pinanggalingan, siya ay babalik, at sa lunsod na ito ay hindi siya papasok, ang sabi ni Jehova.+ 34  At tiyak na ipagtatanggol+ ko ang lunsod na ito upang iligtas ito alang-alang sa akin+ at alang-alang kay David na aking lingkod.” ’ ”+ 35  At nangyari nang gabing iyon, ang anghel ni Jehova ay lumabas at sinaktan ang isang daan at walumpu’t limang libo sa kampo+ ng mga Asiryano.+ Nang ang mga tao ay maagang bumangon sa kinaumagahan, aba, narito, ang lahat ng mga ito ay patay na mga bangkay.+ 36  Sa gayon si Senakerib+ na hari ng Asirya ay lumisan at yumaon at bumalik,+ at nanahanan siya sa Nineve.+ 37  At nangyari nga na habang yumuyukod siya sa bahay ni Nisroc+ na kaniyang diyos,+ siya ay pinatay ni Adramelec at Sarezer, na kaniyang mga anak, sa pamamagitan ng tabak,+ at sila ay tumakas patungo sa lupain ng Ararat.+ At si Esar-hadon+ na kaniyang anak ay nagsimulang maghari bilang kahalili niya.

Talababa