Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Cronica 30:1-27

30  At nagsugo si Hezekias sa buong Israel+ at Juda, at sumulat pa siya ng mga liham sa Efraim+ at Manases,+ na pumaroon sila sa bahay ni Jehova+ sa Jerusalem upang idaos ang paskuwa+ para kay Jehova na Diyos ng Israel.  Gayunman, ipinasiya ng hari at ng kaniyang mga prinsipe+ at ng buong kongregasyon+ sa Jerusalem na idaos ang paskuwa sa ikalawang buwan;+  dahil hindi nila ito maidaos nang panahong iyon,+ sapagkat una, walang sapat na saserdote+ ang nagpabanal ng kanilang sarili, at isa pa, ang bayan ay hindi natitipon sa Jerusalem.  At ang bagay na iyon ay naging marapat sa paningin ng hari at sa paningin ng buong kongregasyon.+  Kaya nagpasiya silang paratingin ang panawagan+ sa buong Israel, mula sa Beer-sheba+ hanggang sa Dan,+ na pumaroon at idaos sa Jerusalem ang paskuwa para kay Jehova na Diyos ng Israel; sapagkat hindi nila iyon ginawa+ bilang isang karamihan ayon sa nasusulat.+  Nang magkagayon ang mga mananakbong+ may mga liham mula sa kamay ng hari at ng kaniyang mga prinsipe+ ay humayo sa buong Israel at Juda, ayon nga sa utos ng hari, na nagsasabi: “Kayong mga anak ni Israel, manumbalik+ kayo kay Jehova na Diyos+ ni Abraham, ni Isaac at ni Israel, upang manumbalik siya sa mga takas+ na naiwan sa inyo mula sa palad ng mga hari ng Asirya.+  At huwag kayong maging tulad ng inyong mga ninuno+ at tulad ng inyong mga kapatid na gumawi nang di-tapat kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno, kung kaya ginawa niya silang isang bagay na panggigilalasan,+ gaya ng inyong nakikita.  Ngayon ay huwag ninyong patigasin ang inyong leeg+ gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno. Magbigay kayo ng dako kay Jehova+ at pumaroon kayo sa kaniyang santuwaryo+ na pinabanal+ niya hanggang sa panahong walang takda at maglingkod+ kayo kay Jehova na inyong Diyos, upang ang kaniyang nag-aapoy na galit+ ay mapawi mula sa inyo.  Sapagkat kapag nanumbalik+ kayo kay Jehova, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay pag-uukulan ng awa+ sa harap niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag, at pahihintulutang bumalik sa lupaing ito;+ sapagkat si Jehova na inyong Diyos ay magandang-loob+ at maawain,+ at hindi niya itatalikod ang mukha mula sa inyo kung manunumbalik kayo sa kaniya.”+ 10  Kaya ang mga mananakbo+ ay nagpatuloy, na dumaraan sa lunsod at lunsod sa buong lupain ng Efraim+ at Manases, maging hanggang sa Zebulon; ngunit patuloy silang nililibak at inaalipusta ng mga iyon.+ 11  May ilang tao+ lamang mula sa Aser at Manases at mula sa Zebulon ang nagpakumbaba+ kung kaya pumaroon sila sa Jerusalem. 12  Ang kamay ng tunay na Diyos ay sumasa-Juda rin upang bigyan sila ng iisang puso+ upang isagawa ang utos+ ng hari at ng mga prinsipe sa bagay na may kaugnayan kay Jehova.+ 13  At nagpisan sila sa Jerusalem,+ isang malaking bayan, upang idaos ang kapistahan+ ng mga tinapay na walang pampaalsa sa ikalawang+ buwan, isang kongregasyong napakalaki. 14  Nang magkagayon ay tumindig sila at inalis ang mga altar+ na nasa Jerusalem, at inalis nila ang lahat ng altar+ ng insenso at pagkatapos ay itinapon ang mga iyon sa agusang libis ng Kidron.+ 15  Pagkatapos ay pinatay nila ang hayop na pampaskuwa+ noong ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan; at ang mga saserdote at ang mga Levita ay napahiya, kung kaya pinabanal+ nila ang kanilang sarili at nagdala ng mga handog na sinusunog sa bahay ni Jehova. 16  At nanatili silang nakatayo+ sa kanilang dako ayon sa kanilang alituntunin, ayon sa kautusan ni Moises na lalaki ng tunay na Diyos, na iwiniwisik ng mga saserdote+ ang dugong tinanggap mula sa kamay ng mga Levita. 17  Sapagkat marami sa kongregasyon ang hindi nagpabanal ng kanilang sarili; at ang mga Levita+ ang nangangasiwa sa pagpatay ng mga hayop+ na pampaskuwa para sa lahat ng hindi malinis, upang pabanalin sila para kay Jehova. 18  Sapagkat may isang malaking bilang sa bayan, marami sa Efraim+ at Manases,+ sa Isacar at Zebulon,+ na hindi pa nakapaglinis+ ng kanilang sarili, sapagkat hindi nila kinain ang paskuwa ayon sa nasusulat;+ ngunit si Hezekias ay nanalangin para sa kanila,+ na sinasabi: “Pagpaumanhinan nawa ng mabuting+ si Jehova ang 19  bawat isang naghanda ng kaniyang puso+ upang hanapin ang tunay na Diyos, si Jehova, na Diyos ng kaniyang mga ninuno, bagaman walang pagpapadalisay para sa bagay na banal.”+ 20  Sa gayon ay nakinig si Jehova kay Hezekias at pinagaling ang bayan.+ 21  Kaya ang mga anak ni Israel na nasumpungan sa Jerusalem ay nagdaos ng kapistahan+ ng mga tinapay na walang pampaalsa nang pitong araw na may malaking pagsasaya;+ at ang mga Levita+ at ang mga saserdote+ ay naghandog ng papuri kay Jehova sa araw-araw na may malalakas na panugtog, para nga kay Jehova.+ 22  Bukod diyan, si Hezekias ay nagsalita sa puso+ ng lahat ng mga Levita na gumagawing may mahusay na karunungan kay Jehova.+ At kinain nila ang itinakdang piging sa loob ng pitong araw,+ na naghahain ng mga haing pansalu-salo+ at nagtatapat+ kay Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno. 23  At ang buong kongregasyon ay nagpasiya+ na idaos ito sa loob ng pitong araw pa,+ kung kaya idinaos nila ito sa loob ng pitong araw nang may pagsasaya. 24  Sapagkat si Hezekias na hari ng Juda ay nag-abuloy+ para sa kongregasyon ng isang libong toro at pitong libong tupa, at ang mga prinsipe+ ay nag-abuloy para sa kongregasyon ng isang libong toro at sampung libong tupa; at isang malaking bilang ng mga saserdote+ ang patuloy na nagpapabanal ng kanilang sarili. 25  At ang buong kongregasyon ng Juda+ at ang mga saserdote at ang mga Levita+ at ang buong kongregasyon na dumating mula sa Israel+ at ang mga naninirahang dayuhan+ na dumating mula sa lupain ng Israel+ at yaong mga tumatahan sa Juda ay patuloy na nagsaya.+ 26  At nagkaroon ng malaking pagsasaya sa Jerusalem, sapagkat mula nang mga araw ni Solomon+ na anak ni David na hari ng Israel ay walang naging tulad nito sa Jerusalem.+ 27  Sa wakas ay tumayo ang mga saserdote, ang mga Levita, at pinagpala+ ang bayan; at dininig ang kanilang tinig, kung kaya ang kanilang panalangin ay nakarating sa kaniyang banal na tahanan, sa langit.+

Talababa