Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Cronica 3:1-17

3  Sa wakas ay pinasimulan ni Solomon na itayo ang bahay ni Jehova+ sa Jerusalem sa Bundok Moria,+ kung saan nagpakita [si Jehova] kay David na kaniyang ama,+ sa dakong inihanda ni David sa giikan ni Ornan+ na Jebusita.  Kaya nagsimula siyang magtayo noong ikalawang buwan nang ikalawang araw, noong ikaapat na taon ng kaniyang paghahari.+  At ang mga bagay na ito ay inilatag ni Solomon bilang pundasyon para sa pagtatayo ng bahay ng tunay na Diyos, na ang haba sa siko ayon sa dating sukat ay animnapung siko, at ang lapad ay dalawampung siko.+  At ang beranda+ na nasa harap ng kahabaan ay dalawampung siko sa harap ng kalaparan ng bahay, at ang taas nito ay isang daan at dalawampu; at kinalupkupan niya ito sa loob ng dalisay na ginto.  At ang malaking bahay+ ay binalutan niya ng kahoy na enebro, pagkatapos ay binalutan niya ito ng mainam na ginto,+ at pagkatapos ay nilagyan niya ito ng mga larawan ng puno ng palma+ at mga tanikala.+  Karagdagan pa, ang bahay ay kinalupkupan niya ng mahalagang bato bilang pampaganda;+ at ang ginto+ ay gintong mula sa lupain ng ginto.  At binalutan niya ang bahay, ang mga tahilan, ang mga pintuan at ang mga dingding nito at ang mga pinto nito ng ginto;+ at naglilok siya ng mga kerubin sa mga dingding.+  At ginawa niya ang bahay ng Kabanal-banalan,+ na ang haba nito may kaugnayan sa lapad ng bahay ay dalawampung siko, at ang lapad naman nito ay dalawampung siko;+ at pagkatapos ay binalutan niya ito ng mainam na ginto sa halagang anim na raang talento.  At ang bigat para sa mga pako+ ay limampung siklong ginto; at ang mga silid-bubungan ay binalutan niya ng ginto. 10  Nang magkagayon ay gumawa siya sa bahay ng Kabanal-banalan ng dalawang kerubin+ na yaring mga imahen, at kinalupkupan ng ginto ang mga iyon.+ 11  Kung tungkol sa mga pakpak ng mga kerubin,+ ang haba ng mga ito ay dalawampung siko, ang isang pakpak na limang siko ay umaabot sa dingding ng bahay, at ang isa pang pakpak na limang siko ay umaabot sa pakpak ng isa pang kerubin.+ 12  At ang pakpak ng isang kerubin na limang siko ay umaabot sa dingding ng bahay, at ang isa pang pakpak na limang siko ay nakadaiti sa pakpak ng isa pang kerubin.+ 13  Ang mga pakpak ng mga kerubing ito ay nakaunat nang dalawampung siko; at sila ay nakatayo sa kanilang mga paa at ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa loob. 14  Karagdagan pa, ginawa niya ang kurtina+ mula sa sinulid na asul+ at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at krimson at mainam na kayo, at binurdahan niya ito ng mga kerubin.+ 15  Nang magkagayon ay gumawa siya sa harap ng bahay ng dalawang haligi,+ na tatlumpu’t limang siko ang haba, at ang kapital+ na nasa ibabaw ng bawat isa ay limang siko. 16  Karagdagan pa, gumawa siya ng mga tanikala+ na parang kuwintas at inilagay ang mga iyon sa ibabaw ng mga haligi, at gumawa siya ng isang daang granada+ at inilagay ang mga iyon sa mga tanikala. 17  At itinayo niya ang mga haligi sa harap ng templo, ang isa ay sa kanan at ang isa ay sa kaliwa, pagkatapos ay tinawag niyang Jakin ang pangalan ng nasa kanan at Boaz ang pangalan ng nasa kaliwa.+

Talababa