Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Cronica 2:1-18

2  At ibinigay ni Solomon ang utos na magtayo ng bahay+ para sa pangalan+ ni Jehova at ng bahay para sa kaniyang paghahari.+  Sa gayon ay bumilang si Solomon ng pitumpung libong lalaki bilang mga tagapagdala ng pasan at walumpung libong lalaki bilang mga maninibag sa bundok,+ at bilang mga tagapangasiwa sa kanila ay tatlong libo anim na raan.+  Karagdagan pa, si Solomon ay nagsugo kay Hiram+ na hari ng Tiro, na nagsasabi: “Kung paanong nakitungo ka kay David+ na aking ama at patuloy kang nagpadala sa kaniya ng tablang sedro upang magtayo para sa kaniyang sarili ng bahay upang tahanan,—  narito, nagtatayo+ ako ng isang bahay para sa pangalan+ ni Jehova na aking Diyos upang pabanalin+ iyon para sa kaniya, upang magsunog ng mabangong insenso+ sa harap niya, na may palagiang magkakapatong na tinapay+ at mga handog na sinusunog sa umaga at sa gabi,+ sa mga sabbath+ at sa mga bagong buwan+ at sa mga kapanahunan ng kapistahan+ ni Jehova na aming Diyos. Hanggang sa panahong walang takda+ ay magiging utos ito sa Israel.  At ang bahay na itinatayo ko ay magiging dakila,+ sapagkat ang aming Diyos ay mas dakila kaysa sa lahat ng iba pang diyos.+  At sino ang may kapangyarihan upang ipagtayo siya ng bahay?+ Sapagkat sa mga langit at sa langit ng mga langit ay hindi siya magkasya,+ at sino ako+ upang ipagtayo ko siya ng bahay malibang para sa paggawa ng haing usok sa harap niya?+  At ngayon ay magsugo ka sa akin ng isang lalaking dalubhasa na gagawa sa ginto at sa pilak at sa tanso+ at sa bakal at sa lanang tinina sa mamula-mulang purpura at krimson at sinulid na asul, at marunong umukit ng mga lilok, kasama ng mga dalubhasang kasama ko sa Juda at sa Jerusalem, na inihanda ni David na aking ama.+  At padalhan mo ako ng mga tabla ng sedro,+ enebro+ at algum+ mula sa Lebanon,+ sapagkat alam na alam kong ang iyong mga lingkod ay makaranasan sa pagputol ng mga punungkahoy ng Lebanon,+ (at narito, ang aking mga lingkod ay kasama ng iyong mga lingkod,)  para nga sa paghahanda ng napakaraming tabla para sa akin, sapagkat ang bahay na itatayo ko ay magiging dakila, oo, sa isang kamangha-manghang paraan. 10  At, narito! sa mga tagakuha ng kahoy, sa mga mamumutol ng mga punungkahoy, ay magbibigay ako ng trigo bilang pagkain para sa iyong mga lingkod, dalawampung libong kor,+ at sebada na dalawampung libong kor, at alak+ na dalawampung libong bat, at langis na dalawampung libong bat.” 11  Sa gayon ay sinabi ni Hiram na hari ng Tiro+ ang salita sa pamamagitan ng sulat at ipinadala ito kay Solomon: “Dahil iniibig ni Jehova+ ang kaniyang bayan ay ginawa ka niyang hari sa kanila.”+ 12  At sinabi pa ni Hiram: “Pagpalain nawa si Jehova na Diyos ng Israel,+ na siyang gumawa ng langit at ng lupa,+ sa dahilang binigyan niya si David na hari ng isang anak na marunong, makaranasan sa karunungan at pagkaunawa,+ na siyang magtatayo ng bahay para kay Jehova at ng bahay para sa kaniyang paghahari.+ 13  At ngayon ay nagsusugo nga ako ng isang lalaking dalubhasa, makaranasan sa pagkaunawa, na kay Hiram-abi,+ 14  ang anak ng isang babaing mula sa mga anak ni Dan ngunit ang kaniyang ama ay isang lalaking taga-Tiro, makaranasan, upang gumawa sa ginto at sa pilak, sa tanso,+ sa bakal, sa mga bato+ at sa mga tabla, sa lanang tinina sa mamula-mulang purpura,+ sa sinulid na asul+ at sa mainam+ na kayo at sa krimson+ at sa pag-ukit ng bawat uri ng lilok+ at sa pagdidisenyo ng bawat uri ng kagamitang+ maibibigay sa kaniya kasama ng iyong sariling mga taong dalubhasa at ng mga taong dalubhasa ng aking panginoong si David na iyong ama. 15  At ngayon ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak na ipinangako ng aking panginoon, ay ipadala niya sa kaniyang mga lingkod.+ 16  Kung tungkol naman sa amin, magpuputol kami ng mga punungkahoy+ mula sa Lebanon ayon sa lahat ng iyong pangangailangan,+ at dadalhin namin ang mga iyon sa iyo bilang mga balsang idinaraan sa dagat+ hanggang sa Jope,+ at ikaw naman ang mag-aahon ng mga iyon sa Jerusalem.” 17  Sa gayon ay binilang ni Solomon ang lahat ng lalaki na mga naninirahang dayuhan, na nasa lupain ng Israel,+ ayon sa sensus sa kanila na kinuha ni David na kaniyang ama;+ at ang nasumpungan ay isang daan at limampu’t tatlong libo anim na raan. 18  Kaya ginawa niyang mga tagapagdala ng pasan+ ang pitumpung libo sa kanila at mga maninibag+ sa bundok ang walumpung libo at mga tagapangasiwa ang tatlong libo anim na raan upang ang mga tao ay panatilihing naglilingkod.+

Talababa